Masamang biro

NAKATIRA si Erning sa isang liblib na barangay. Kapitbahay at matalik niyang kaibigan si Miguel. Mapagbiro si Miguel. Madalas siyang manggaya ng iba’t ibang boses upang takutin si Erning.

Isang gabing pauwi na si Erning nang mapadaan ito sa kalye na walang ilaw. Nagulat siya sa isang sigaw ng lalaki na may walong metro ang layo sa kanya. Dahil madilim, hindi niya maaninag ang mukha nito. Sinabi ng lalaki, "Dumapa ka at ibigay mo ang iyong pera!" Ilang saglit pa ay nagpaputok si Erning ng dalawang beses gamit ang baril na madalas niyang dalhin saan man magpunta. Dito biglang sumigaw ang lalaki, "Tinamaan ako!" Sa pagkakataong iyon, narinig niya ang natural na boses ng lalaki. Nakilala niya itong si Miguel.

Namatay si Miguel. Samantala, kinasuhan si Erning ng pagpatay kay Miguel. May kaso ba laban kay Erning?

WALA.
Ang insidenteng pagpatay ay resulta lamang ng masamang biro. Nakapatay si Erning dahil sa pagtatanggol sa sarili. At dahil hindi nakilala ni Erning ang lalaki sanhi ng kadiliman ng lugar pati na rin ang takot niya sa kanyang buhay, makatwiran ang kanyang ginawang depensa.

Hindi parurusahan ng ating batas ang katulad ni Erning na naging batayan ang paniniwalang kailangang ipagtanggol ang sarili laban sa masamang tangka sa buhay. Ito ang desisyon ng Korte Suprema sa kasong PP vs Ah Chong, 25 Phil. 488.

Show comments