^

PSN Opinyon

Nabuwang si Pamatong

IKAW AT ANG BATAS! - Al G. Pedroche -
HABANG sinusulat ko ang piyesang ito, nagtatago na si frustrated president of the republic Elly Velez Pamatong. Ano mang oras ay baka mag-issue na ng warrant of arrest ang korte laban sa kanya. Sana, habang binabasa niyo ito’y natiklo na ang hinayupak. Sana. Nagpa-interview pa si kolokoy sa telebisyon. Sinabing hindi siya pahuhuli. Kinukonsidera ngayon ang pabuyang P75,000 sa ikadadakip ni Pamatong kapag ipinalabas ang warrant at hindi siya agad madakip. Cheap naman!

Kinasuhan na ng Western Police District si Pamatong ng malicious mischief, damage to property and disobedience to public order. Sa dami ng naperhuwisyo ng ipinakalat niyang metal spikes sa Metro Manila na nag-flat sa gulong ng sasakyan ng maraming motorista, posibleng abutin ng isanlibong taong pagkakakulong ang kanyang sentensya anang isang abogado. Mababa lang ang parusa sa malicious mischief. Anim na buwan hanggang sa dalawang taon. Pero i-multiply mo iyan sa bilang ng mahigit sa 160 motoristang pinerhuwisyo niya, aabutin na ng halos 300 taon. Isama pa ang ibang kasong isasampa sa kanya. Para makalusot o mabawasan man lang ang kanyang mabigat na sentensya, umamin na lang siyang may sayad sa utak. Afterall, talagang luku-luko lang ang gagawa ng ganyan.

Seryosong krimen ito kung tutuusin at dapat lang siyang sampahan ng karampatang kaso. Buwang na yata talaga ang atorning ito. Hindi lang nabigyan ng permisong mag-rally ang kanyang grupo’y gumawa na ng kabalbalan. Less violent form of protest daw ito. Anooh? Hindi gawa ng matinong tao iyan. Kung may natuwa sa ginawa mo, siguro ito yung mga vulcanizing shops na dinagsa ng mga motoristang na-flat ang gulong ng sasakyan. At kung hindi man na-flat tire ang mga motorista, na-late naman sila sa kanilang mga appointment porke nagkabuhol-buhol ang trapiko dahil sa katarantaduhan mo. Paano naging abogado si Pamatong? Alam ba niyang anarkiya ang kanyang ginawa kung tutuusin? At paano, Atorni Pamatong, kung may emergency case na isusugod sa ospital pero natigok sa daan dahil sa kabalbalan mo, sasagutin mo ba iyan?

Kung tinatawag na sira-ulo ng iba ang kabaro mong si Eddie Gil, sa ganyang gawa mo’y mas sira ka pala. At least, si Eddie Gil ngayon ay pumapawi ng lungkot at nagpapasaya sa tao. Ikaw, katumbas ng terorismo ang ginagawa mo. Hindi ko alam kung ano ang dapat i-asunto sa iyo dahil hindi ako abogado. You are a lawyer and you should know the crime that you have committed. Hindi ako bihasa sa batas pero common sense tells me that you have committed a very serious crime against the people.

AFTERALL

ATORNI PAMATONG

EDDIE GIL

ELLY VELEZ PAMATONG

KUNG

METRO MANILA

PAMATONG

SANA

WESTERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with