^

PSN Opinyon

EDITORYAL - 'Utak pako'

-
Galit sa mga corrupt,clowns ang na-disqualified presidential candidate na si Elly Pamatong. Kaya ang ginawa niya, nagpagawa nang 500,000 metal spikes. Ang metal spikes ay mga pakong binaluktot. Ang mga metal spikes na ito ang ikinalat ng kanyang mga alagad noong Lunes ng madaling araw sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila. Kabilang sa mga kinalatan ng spikes ay ang Roxas Boulevard, Taft Avenue, EDSA, Andres Bonifacio Avenue, Quezon Avenue, Aurora Boulevard, Katipunan Avenue, E. Rodriguez Avenue, Monumento Circle, España St., C-5, North at South Luzon Expressways at marami pang iba. May 200 sasakyan ang nabutas ang gulong. Naging dahilan ito para magkaroon ng grabeng pagsisikip ng trapiko.

Galit siya sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno, pulis at ganoon din sa mga payaso at komikero kaya ang mga sasakyang walang laban ang kanyang pinerhuwisyo. At ang nakatatawang pahayag ni Pamatong, hindi raw naman ang mga motorista ang kanyang target. Wala raw siyang intensiyon na sila ay saktan. Humingi siya ng paumanhin sa mga motoristang sumabog ang gulong. Gusto raw lang niya na ipaabot ang mensahe kung gaano na katalamak ang corruption sa gobyerno. Ang corruption daw ang dahilan kaya marami ang nagugutom, marami ang walang tahanan, maraming walang trabaho. Ang corruption din daw ang isa sa pinaka-worst na uri ng terorismo kung saan may 1,000 ang pinapatay araw-araw.

Matutulis na binaluktot na pako ang naisip na paraan ni Pamatong para maipahatid ang kanyang mensahe at nagtagumpay siyang butasin ang gulong ng mga sasakyan. Dahil sa kanyang ginawa marami ang napinsala. Ang mga naghahanap-buhay ay nabawasan ang kinikita. Hindi nakapasada ang mga pampasaherong dyipni at marami ang na-late sa trabaho. Malaking perhuwisyo sa kabuhayan ang ginawa ng "utak pako" na si Pamatong.

Pagkaraang aminin ang pagpapakalat ng pako, nagtago si Pamatong. Pero susuko naman daw siya ng maayos kapag nakorner siya ng mga pulis. Hindi raw siya lalaban.

Hanapin si Pamatong at pagbayarin sa kanyang ginawang "pako attack". Hindi siya nararapat makaligtas sa kaparusahan dahil sa ginawang paninira sa ari-arian ng iba. Isang abogado si Pamatong subalit siya ang bumali sa itinatadhana ng batas. Alam ba niya ang batas? Kung galit siya sa mga corrupt na opisyal ng gobyerno, ang mga ito ang nararapat niyang upakan. Ang mga corrupt ang dapat niyang taniman ng pako sa ulo at hindi ang mga sibilyang naghahanap-buhay. Kung galit siya sa mga payaso at komikero, ang mga ito ang nararapat niyang kastiguhin at hindi ang taumbayan.

Hanapin si Pamatong at ipako sa bilangguan.

vuukle comment

ANDRES BONIFACIO AVENUE

AURORA BOULEVARD

ELLY PAMATONG

GALIT

HANAPIN

KATIPUNAN AVENUE

PAMATONG

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with