"Is Metro Manila safe ... ?"
June 23, 2004 | 12:00am
LUNES. SIMULA NG LINGGO. PAGKAGISING AY NASISIRA NA KAAGAD ANG ARAW NATIN MGA PINOY DAHIL SA MGA BUMABANDERANG BALITA TUNGKOL SA KUNG ANU-ANONG KLASE NG KAGULUHAN NA NAGAGANAP SA PILIPINAS.
MAS PINALALA PA NG POLITICAL INSTABILITY DAHIL SA NAKAKASUYA NANG BANGAYAN NG MGA MAGKAKAKONTRANG PULITIKO SA BANSA.
NGAYON NAMAN AY DAAN-DAANG PAKONG DE KWATRO, (STEEL SPIKES) NA TINANGGALAN NG ULO, IKINALAT SA KAHABAAN NG EDSA. ITOY NAGRESULTA SA MAHIGIT ISANG DAANG SASAKYAN NA NAGKAROON NG MGA FLAT TIRES. SINO NAMAN ANG MATUTUWA SA KAGANAPANG ITO? TANONG, HINDI BAT PINA-IGTING ANG MGA CHECK POINTS SA METRO MANILA DAHIL NGA RAW "HEIGHTENED-ALERT" ANG ATING MGA PULIS PARA SA ANUMANG URI NG KAGULUHAN NA MAARING MAG-DESTABILIZE SA ATING LIPUNAN. PAANO NAKALUSOT ANG MGA NAGKALAT NA ITO? PUTRIS, SINO NAGBABANTAY NG ATING LANSANGAN HABANG MAHIMBING NATUTULOG ANG BUONG KAMAYNILAAN? KUNG MGA LAND MINES PALA YAN, ANDAMING PATAY SA KALYE. ANO BA YAN DIRECTOR RICARDO DE LEON (BIG DICK), NCRPO DIRECTOR?
Bago magtapos ang araw ay biglang umamin si Atty Elly Pamatong, isang dating abogado ni MILF Leader Nur Misuari, advocacy ng Pro US at colonization ng ating bansa. Isang dineklarang "nuisance candidate" nitong nakaraang eleksyon. Siya daw ang nagkalat nitong mga de-kwatrong pako PAKO NI PAMATONG. Siya kaya ang may pakana nito? Mahigit sa 800 steel spikes ang huling bilang ng mga authoridad. Tanong ulit, paano naikalat nga ito? Kaya ba ng nag-iisang abogado de tililing na gawin lahat ito? Hanggang nga sa Kenon Road na papanik ng Baguio City at Marcos Highway (dating Naguilan Road) ay naikalat ang mga "PAKO NI PAMATONG." Tanong ko ulit, paano naikalat ang mga pakong ito?
Iba-iba ang reaksyon ng tao. May narinig ako na ang dapat parusa dito kay Pamatong ay itusok daw ang lahat ng pako sa kanya dahil sa ginawa niyang katarantaduhan.
Ito bang si Pamatong ay nakikisakay lamang sa insidenteng ito o talaga kaya siya ang may kagagawan? Maraming nagsasabi na maaring kasuhan si Atty Pamatong ng mga kasong, Physical Injuries, Damage to Property at Malicious Mischief. Para sa akin ang pasok lamang dito ay ang Malicious Mischief. Yan, eh kung merong mag-aaksaya ng panahon na magsampa ng kaso sa Pamatong na ito. Meron kaya, matapos maabala na ngayong Lunes, pahahabain pa. Hindi bat marami sa kanila ay nagpalit na lamang ng gulong at nagpa-volucanize.
Ang insidenteng ito ay dagok sa Philippine National Police. Kay PNP Director General Hermogenes Ebdane. It was meant to embarrass the PNP-Chief. Bakit nga ba hindi. Dapat kung "heightened-alert" kayo, hindi nangyari ito. Hindi madaling magkalat ng 800 pcs of steel spikes, lalung-lalo na sa EDSA.
Kung hindi kayo na-apektuhan ng pako ni Pamatong, tatlong bomba naman ang nakita ng mga awtoridad. Nauna na ang nakita doon mismo sa building na kinalalagyan ng tanggapan ng Department of Interior and Local Government. Sumunod pa ang isa ring bomba sa Camp Emilio Aguinaldo sa Department of National Defense compound. Ang pangatlo ay sa may simbahan ng Forbes Park sa Sanctuario de San Antonio.
Tanong ulit. Paano nakakalusot ang mga nagtatanim ng mga bombang ito? At ano kaya ang motibo sa mga pangyayaring ito?
Sabihin mang sawa na ang bayan sa lagi nang banta ng terorismo o kung ano mang elemento na gustong maghasik ng kaguluhan, lagi pa ring may kasabay na pangamba at takot ang ganitong mga pangyayari on the part of the citizenry. Kaya nga marami ang nagtataka kung ano kaya ang ginagawa ng ating kapulisan at mukhang laging tulog sa pansitan!
Nung kalagitnaan ng Dekada-90, akoy nagsusulat pa para sa ibang tabloid, tinanong ko "Is Manila Safe ?" Mayor nun si Fred Lim at ang Chief ng Western Police District nung mga panahog yun ay si Director Ebdane, Makalipas ang ilang taon, tanong ko naman ngayon, "Is Metro Manila Safe.?" Si Hermogenes Ebdane naman ngayon ay Chief-PNP na.
Paki sagot nga ito, Dir. Gen Ebdane.
May mga usapan na si Dir. Gen. Ebdane ay ililipat ng pwesto sa katapusan ng buwan. Siya daw ay matatalaga bilang Secretary of the Department of Transportation and Communication. Sana naman, itong mga nalalabing araw (kung totoo nga ito) bilang PNP-Chief, wala ng malaking palpak ang mangyari. Sinlaki ng pagtakas ni Fathur Roman Al-Ghozi. Sana nga. May nagkomento na ang mga palpak na PNP-Chief ay hindi raw nireretiro. Ginagawang DOTC Chief lang. Ayaw ni Sec. Larry Mendoza ng ganyang usapan.
PARA SA ANUMANG COMMENTS AT REACTIONS I-TEXT SA 09179904918. MAAARI DIN KAYONG TUMAWAG SA 7788442.
*Sa mga taga subaybay ng program ni Director Manuel Morato sa DIAL M, ang bisita nila sa Thursday, June 24 ay si Fidel V. Ramos. Panoorin po natin.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended