Patunay lamang ito na pinapag-ibayo ng Pag-IBIG Fund na tugunan ang pangangailangan ng mga miyembro nito sa pabahay. Ang malaking halagang naipautang sa pabahay ay resulta ng mga pagbabago at reporma na ipinatutupad ng Pag-IBIG upang mas matugunan ng gobyerno ang napakalaking pangangailangan sa pabahay alinsunod pa rin sa direktiba ni President Arroyo.
Kabilang sa mga repormang ito ay ang pagbaba ng interest rate. Ngayon ang interes ay mula 6 percent hanggang 12 percent depende sa halaga ng nahiram. Ang pagtaas ng loan to collateral ratio na maaaring umabot sa 100% upang ang mga mangungutang ay maliit lamang ang kailangang ilabas na equity at kung minsay ay halos wala nang equity. May mga bago ring financing schemes para sa mga developers upang masiguro na may sapat silang pondo upang tuluy-tuloy ang pagpapatayo nila ng mga proyektong pabahay.
Ang revised Group Land Acquisition Program (GLAD), Medium/High Rise Building, Turn Key Financing Program (credit facility para sa mga private developers) at ang Housing Liquidity Bond Window ay ilan lamang sa mga programa ng Pag-IBIG Fund na ipinapatupad bilang bahagi pa rin ng kabuuang programa sa pabahay. Tuluy-tuloy pa rin ang pamahalaan sa pagpapatupad ng programa upang matulungan ang mas maraming pamilyang Pilipino na magkaroon ng maayos at disenteng bahay.