Inirereklamo ng residenteng ito ang ilang nakatirang squatters sa kanilang subdivision. Hindi na raw sana problema ang paninirahan ng mga ito malapit sa kanilang tinitirhang subdivision, pero ang kanilang reklamo ay ang perwisyong hatid ng piggery na pag-aari ng ilang squatters sa Pleasant View Subdivision.
Araw-araw na kalbaryo para sa kanila ang perwis- yong hatid ng babuyan. Pero ang masakit pa raw hindi napapakinggan ng mga ilang opisyales ng barangay ang kanilang matagal na reklamo.
Babala pa lamang ito ng BITAG. Dahil sa oras na pasukin na ito ng aming BITAG STRIKE FORCE siguradong may mahuhulog at mahuhulog sa aming patibong!
Greetings I am a student and residence of Pleasant View Subd. Caloocan City. Gusto na ho sana namin na ilapit na sa inyo ang bagay na ito para maaksyunan na. Kami po ay nakatira dito sa isang subdivision kung saan naglipana ang mga squatters, wala sanang problema kung hindi sila nagdudulot ng perwisyo sa mismong tabi, gilid at bakod ng bahay namin. Mayroong nakatayong tatlong piggery dito sa aming lugar, hindi po kami sure kung talagang tenant lang sila o malamang hindi alam ng mga may-ari ng mga lupa. Walang ginawa ang mga barangay officials at sa tingin ko ay wala ring association ng homeowners para mapaalis sila dito. Nagkaroon na po ng dalawang hearing sa barangay regarding this matter. Ang mommy ko po at mga may-ari ng baboy ay nagharap na, pero sa tingin namin mukhang hindi kami pinapanigan ng kapitan ng barangay. Ang sabi nila ipapaabot daw nila sa Department of Health ang problema para magkaroon ng sanitary inspection pero walang nangyari. Sir, HINDI NA PO NAMIN MATITIIS ANG BAHO, AMOY NG MGA BABOY NA ITO DAHIL PO KAMI AY KINAKABAGAN AT SINISIKMURA NA DAHIL PO ITO SA MGA BABUYAN NA YAN. And i understand na hindi lamang po ang amoy ang nagbibigay ng kabag kundi ang singaw mismo ng lupa at animal waste ang sanhi nito.
Anonymous