^

PSN Opinyon

Reklamo ng residente ng Pleasant View Sub. sa Caloocan

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
BIBIGYANG daan namin ngayon ang isang reklamong ipinaabot sa aming tanggapan sa pamamagitan ng e-mail ng isang residente ng Pleasant View Subdivision sa Caloocan City.

Inirereklamo ng residenteng ito ang ilang nakatirang squatters sa kanilang subdivision. Hindi na raw sana problema ang paninirahan ng mga ito malapit sa kanilang tinitirhang subdivision, pero ang kanilang reklamo ay ang perwisyong hatid ng piggery na pag-aari ng ilang squatters sa Pleasant View Subdivision.

Araw-araw na kalbaryo para sa kanila ang perwis- yong hatid ng babuyan. Pero ang masakit pa raw hindi napapakinggan ng mga ilang opisyales ng barangay ang kanilang matagal na reklamo.

Babala pa lamang ito ng BITAG. Dahil sa oras na pasukin na ito ng aming BITAG STRIKE FORCE siguradong may mahuhulog at mahuhulog sa aming patibong!
* * *
Mr. Ben Tulfo,

Greetings I am a student and residence of Pleasant View Subd. Caloocan City. Gusto na ho sana namin na ilapit na sa inyo ang bagay na ito para maaksyunan na. Kami po ay nakatira dito sa isang subdivision kung saan naglipana ang mga squatters, wala sanang problema kung hindi sila nagdudulot ng perwisyo sa mismong tabi, gilid at bakod ng bahay namin. Mayroong nakatayong tatlong piggery dito sa aming lugar, hindi po kami sure kung talagang tenant lang sila o malamang hindi alam ng mga may-ari ng mga lupa. Walang ginawa ang mga barangay officials at sa tingin ko ay wala ring association ng homeowners para mapaalis sila dito. Nagkaroon na po ng dalawang hearing sa barangay regarding this matter. Ang mommy ko po at mga may-ari ng baboy ay nagharap na, pero sa tingin namin mukhang hindi kami pinapanigan ng kapitan ng barangay. Ang sabi nila ipapaabot daw nila sa Department of Health ang problema para magkaroon ng sanitary inspection pero walang nangyari. Sir, HINDI NA PO NAMIN MATITIIS ANG BAHO, AMOY NG MGA BABOY NA ITO DAHIL PO KAMI AY KINAKABAGAN AT SINISIKMURA NA DAHIL PO ITO SA MGA BABUYAN NA ’YAN. And i understand na hindi lamang po ang amoy ang nagbibigay ng kabag kundi ang singaw mismo ng lupa at animal waste ang sanhi nito.

Anonymous
* * *
BITAG hotline numbers, para sa mga NAABUSO, NAAAPI at BIKTIMA ng PANLOLOKO o anumang uring katiwalian, i-text (0918)9346417 tumawag sa mga numerong ito 932-8919/932-5310. Manood tuwing Sabado, 7:00-8:00 p.m. IBC-13, ‘‘BITAG"

CALOOCAN CITY

DEPARTMENT OF HEALTH

GREETINGS I

MR. BEN TULFO

PLEASANT VIEW SUBD

PLEASANT VIEW SUBDIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with