Tama na ang pulitikahan
June 22, 2004 | 12:00am
NATAPOS na rin ang bilangan sa kongreso noong Linggo. Nanalo sa bilangan si Gloria Macapagal-Arroyo sa pagka-presidente at si Noli de Castro sa pagka-bise presidente. Naging matindi at mahaba ang proseso na dinaanan ng 22 miyembro ng Joint Canvassing Committee. Para bang nakawala na hawla ang dalawang chairmen ng komite na sina Senate Majority Leader Francis Pangilinan at Deputy Speaker Raul Gonzales. Hindi rin naitago ang kagalakan nina Senate President Franklin Drilon at Speaker Jose de Venecia samantalang kitang-kita ang panlulumo nina Sen. Ed Angara, Sen. Nene Pimentel at ng mga taga-oposisyon hindi lamang dahil sa kinalabasan ng bilangan kundi pati na marahil sa kapaguran.
Pero hindi pa rito natatapos ang trabaho ng kongreso. Preliminary pa lamang ang canvassing o bilangan ang ginawa ng joint committee. Ihahain pa ito sa joint session ng Kongreso kung saan dadaan na naman ito sa isa pang proseso. At dito nga nila maaaring himayin at magtagalan na naman ng mga debate at bangayan. Ito ang kinakatakutan ng marami na baka dumating ang June 30 na wala pang madeklarang presidente at bise presidente.
Marami ang umaasa na tototohanin ng mga taga-oposisyon na ang sinabi na tatanggapin nila ang magiging resulta ng bilangan at hindi nila papanigan ang anumang magaganap na pagpoprotesta sa lansangan na magiging dahilan ng patuloy na paghahati-hati ng mamamayan. Inaasahan din ng taumbayan na ang mga nagwagi ay magiging mapagkumbaba.
Tama na ang pulitikahan. Sobra-sobra na ang kaguluhang kinakaharap ng bansa. Hindi na makahinga ang taumbayan sa mga problema. Sana ay magkaisa na ang lahat.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest