Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Gov. Luis Chavit Singson ng Ilocos Sur; Gen. Danny Mangila ng TMG; Bro. Atty. Biyong Garing, Dra. Juanita Lee ng Lourdes Hospital at Menardo Eming Quijano ng Nueva Ecija.
Ayon sa aking bubuwit, talagang mahirap nang magbago ang actor na ito sapagkat bumalik na naman sa kanyang bisyo.
Ang lubos pang ikinalungkot ng kanyang mga magulang, parang sira na ang ulo ng aktor. Siya ay nagsasalitang mag-isa. Para na siyang praning at hindi na rin inaayos ang sarili.
Siya ay pumayat nang husto at pati kulay ng kanyang kutis na dating mestisuhin ay nag-iba na rin.
Ano kaya ang problema ng batang ito? Problema niya kaya ang mga magulang?
Noong April ay dinala ang aktor sa Center for the Ultimate Rehabilitation of Drug Dependents (CUREDD) sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig. Siya ay mananatili roon ng mula anim hanggang isang taon depende sa pagbabago ng kanyang kondisyon. Siya ay kasama sa isang brigada na binubuo ng 25 drug addicts.
Naku, ang dami pala nilang adik-adik sa naturang rehab, umaabot sa 2,500 katao.
Ayon sa aking bubuwit, makalipas ang dalawang buwang pananatili sa drug rehabilitation center ng aktor, ito ay meron namang malaking pagbabago. Siya ay mabait naman sa loob, sumusunod sa mga regulasyon at marunong ding makisama sa kapwa drug addicts.
Ayon sa aking bubuwit, ang aktor na ibinalik na naman sa rehab ay anak ng dalawa ring artista at pulitiko. Ang kanyang mga magulang ay pareho ring artista. Pareho ring pulitiko subalit sila ay hiwalay na at meron nang sariling pamilya.
Siya ay napabayaan ng mga magulang at nalilito rin siya kung sino sa kanyang mga ama at ina ang titirhan.
Ang aktor na balik droga at balik rehab na naman ay si actor F.M.