Nagbigti daw ang isang Arles Bayot, 30, isang drug dependent sa rehab ng NBI. Sa comfort room ito nakitang nakabigti sa nylon cord ng mga authorities ng rehab.
Pipi at bingi si Arles ayon sa mga Bulong brigade ng mga kuwago ng ORA MISMO.
Sinasabing kasapi ng Dios ko day si Bayot ayon sa mga bulong brigade sa mga kuwago ng ORA MISMO.
Noong Hunyo 14, nagbigti si Bayot sa hindi malamang dahilan. Nagtataka ang mga kuwago ng ORA MISMO, kung saan kumuha ng nylon cord si Bayot.
Hindi ba bawal ito sa loob ng rehab center? NBI bossing Reynaldo Wycoco, Sir! Kung anuman ang dahilan ng kanyang pagkamatay iyan ang dapat imbestigahan.
May negligence ba dito? DOJ Merceditas Gutierrez, Your Honor!
Nakakahiya ito sa parte ng gobyerno na mismo sa loob ng rehabilitation center nagkaroon ng ganitong pangyayari. DDB bossing Joe Calida, Your Honor!
Ang pagsagip sa mga drug dependents ang isa sa mga pangunahing programa ng gobyerno para muling mabigyan ng pagkakataon ang mga sugapa sa droga na makapagbagong buhay.
Hindi biro ang fundings na inilaan ng gobyerno para sa NBI rehab center. Take note, DBM Secretary Boncodin, Your Honor.
Sino ba dapat ang sisihin sa pagkamatay ni Bayot? tanong ng kuwagong adik sa floorwax.
Command responsibilities, di ba? anang kuwagong tulak ng kariton.
Bakit nagkaroon ng kapabayaan tungkol kay Bayot?
Iyan ang dapat sagutin ni NBI-TRC bossing Dr. No este mali Dr. Diokno pala.
Ito ang abatan natin, kamote!