^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pinakamabagal na canvassing sa mundo

-
NAKAKAHIYA pero iyan ang totoo, ang canvassing ng boto noong May 10 elections ang pinakamabagal sa buong mundo. Hanggang ngayon, wala pang linaw kung sino ang nanalong presidente at bise presidente. Hindi pa alam kung may makapanunumpang pinuno ng bansa sa June 30. Labing-isang araw na lamang at malabung-malabo pa. Patuloy ang walang tigil na ngakngakan sa Kongreso. Nauubos ang oras sa mga walang kakuwenta-kuwentang bagay. Laging may kontra. Laging may puna. Nagtalsikan na ang mga laway subalit wala pa ring makitang resulta.

Kamakalawa, hiniling ng mga kaalyado ni Fernando Poe sa Supreme Court na itigil ang canvassing. Ito ang ikalawang pagkakataon na hiniling ng opposition na itigil ang canvassing dahil "illegal at unconstitutional" ang procedure.

At hindi lamang ang taumbayan ang naiinip sa ganito kabagal na bilangan. Maski ang mga foreign observers ay nagpahayag na dito lamang sa Pilipinas nangyari na isang buwan nang nakalilipas ang election ay wala pa ring resulta kung sino ang nanalong presidente at bise presidente.

Sabi ng Austrian professor na si Dr. Hans Kochler ng University of Innsbruck nang interbyuhin matapos mag-observe sa House of Representatives, "Kumpara sa mga election na aking naobserbahan, ang proseso dito sa Pilipinas ay napaka-bagal. I guess it’s the slowest in the world." Idinagdag pa ni Kochler na hindi raw dapat umabot nang matagal ang pagbibilang. Kailangan daw na maging mabilis ang pagcanvas sapagkat dito nakasalalay ang katatagan ng bansa. Sa kanila raw sa Austria ay manu-mano rin ang bilangan subalit mabilis ang proseso. Pagkatapos daw mag-closed ng mga presinto sa araw ng election, ang statistical sample ay agad na kukunin at ang final results ay napo-project nang accurate. Bago raw lumubog ang araw ay alam na kung sino ang nanalo.

Hindi ganito ang nangyayari sa Pilipinas. Buwan ang binibilang bago tuluyang maiproklama ang nanalong kandidato. Maraming kumukontra, marami ang ngakngak at marami ang nagpi-filibuster katulad nang ginawa ni Sen. Nene Pementel. Hindi lamang sa presidente at bise presidente may problema kundi pati na rin sa iba pang tumakbo sa posisyon. May isang nanalong congressman na isang araw lang nanungkulan sapagkat nag-adjourned na ang Kongreso. Mabagal ding nadesisyunan ng Commission on Elections ang kanyang kaso.

Mabagal ang proseso ng bilangan dito sa bansa at lalo pang pinababagal nang walang tigil na ngakngakan. Walang ibang kawawa sa nangyayaring ito kundi ang taumbayang naghihintay ng serbisyo mula sa gobyerno. Tapusin na ang canvassing.

DR. HANS KOCHLER

FERNANDO POE

HOUSE OF REPRESENTATIVES

KONGRESO

LAGING

MABAGAL

NENE PEMENTEL

PILIPINAS

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with