Ang mahihirap na bumoto kay Poe ang kawawa kapag nagkagulo
June 18, 2004 | 12:00am
LUMALABAS nitong nagdaang mga araw na may plano talaga ang kampo ni Oposition presidential candidate Fernando Poe Jr. na lalong ipa-delay pa ang bilangan ng boto sa Kongreso para isulong ang kanilang maitim na balak. EDSA People Power revolt? Kahit sino man ang makausap natin ukol sa takbo ng bilangan ng boto sa presidential at vice presidential candidates ay naiinip na. Subalit ang hinihintay ng bayan ay resulta at hindi kaguluhan tulad ng nasa isipan ng nasa kampo ni Poe nga. Kapag nagkagulo naman lalo pang tataas ang pamasahe, bilihin at kung ano pa subalit ang kakarampot na suweldo ay tiyak na hindi madadagdagan. At sino ang maiiwang kawawa kapag nagkagulo? Eh di wala ng iba pa kundi ang masa, na karamihan ay si Poe ang ibinoto nga, he-he-he!
Ang idolo ng masa na si Poe pa ang magiging ugat ng lalong paghihirap nila.
Kaya ko nasabi mga suki na ang kaguluhan ang huling baraha ng kampo ni Poe dahil siya mismo ay nakitaan ng ebidensiya na parang naghuhudyat ng kaguluhan sa kanyang taga-suporta. Ang ginawang direktang pagbanat ni Poe sa isinasagawang pagbilang ng boto at ang pagiging abala nito sa pag-iikot sa ibat ibang bahagi ng bansa ay ang dalawang palatandaan na napansin ng kapulisan natin. At kapansin-pansin din na ang pagbanat ni Poe sa Joint Canvassing Committee ay nangyari sa araw na ang kanyang running mate na si Loren Legarda ay nakipag-away din sa Kongreso ukol sa certificate of canvass sa Surigao del Sur. Tila lumalakas ang suspetsa na may sinusunod na programa ang Oposisyon sa pag-atake nina Poe at Legarda sa integridad ng joint canvassing committee nga.
May kahalo pang pagbabanta si FPJ na posibleng magkaroon ng kaguluhan kung palaging hinahadlangan ng mayorya ang kagustuhan ng Oposisyon na buksan ang mga ERs at balewalain na ang mga COCs, he-he-he! Pilit nang pilit ang Oposisyon sa ER eh kung tutuusin sila rin naman ang may kasalanan kung nadaya pa sila, di ba mga suki? Kasi nga, sa desisyon ng Supreme Court na sila ang Oposisyon.
Pinagkalooban ang kampo ni FPJ ng mga watchers at mga election lawyers sa municipal level pa lamang hanggang sa provincial level. Bago kasi pumasok sa COC ang bilang ng mga boto, dadaan muna ito sa precint level kung saan ginagawa ang mga talos o paisa-isang marka bago tuluyang iakyat sa municipal level at saka itala sa provincial level o COC. Maliwanag na nagmamasid ang mga watchers at election lawyers ni FPJ sa naturang proseso at sa katunayan pumirma pa sila sa election returns at wala silang reklamo. Bakit sa ngayon lang kahol ng kahol ang Oposisyon?
Si Atty. Salvador Panelo, ang abogado ni Presidentiable Eddie Villanueva ay nadulas sa Kongreso noong Miyerkules at inamin na noong Martes pa nilang balak magwalk-out sa canvassing, he-he-he! Panay deny ng kampo ni FPJ na may balak silang mag-walk out pero sa bibig mismo ni Panelo ay nahuli sila. Nang hamunin ni Sen. Joker Arroyo na mag-walk out sila noon din mismo, aba kung anu-anong palusot ang ginawa ng Oposisyon. Ang sigaw ng bayan, tama na ang daldalan, bilisan ang bilangan! Ayaw na ng bayan ng kaguluhan dahil ang nasa isip nila ay ang kinabukasan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest