^

PSN Opinyon

Adolf Rizal (3)

SAPOL - Jarius Bondoc -
INANALYZE ng isang national artist kung bakit paulit-ulit ang kuro-kurong anak sa labas ni Jose Rizal sina Adolf Hitler at Mao Tse-tung.

Review muna: Makati ang paa ni Rizal; nakadalawang biyahe sa Europe, tapos sa Japan at Hong Kong. Na-conceive si Hitler mga 1887-1888, habang nag-iikot si Rizal sa German-Austrian border. Nanay ni Hitler si Klara Polzl; main character si Maria Clara sa Noli Me Tangere, na tinapos ni Rizal sa Berlin. Maid si Klara sa Vienna. May nawala si Rizal na diamond pin sa bandang Vienna, na nahanap ng hotel chambermaid. Magaan ang loob ni Hitler sa Japan, na isinali sa Axis powers.

Tanong ng kaibigan: Bakit kaya nawala ang alahas–sa pagtatalik? At sa Linz kaya nagbunga ang romansa, kaya ito ang tinuturing ni Hitler sa sariling libro na "hometown by the Danube"?

Tuloy ang kuwento sa Japan, kung saan nagka-relasyon si Rizal kay Seiko Usui, na nagkaanak, si Yuriko, sa isang dayuhan. Baka naman di totoong ama ni Yuriko si Alfred Charlton. Front lang, kumbaga, sa romansa kay Rizal. At baka alam ni Hitler na half-sister niya si Yuriko. Nagka-asawa si Yuriko ng anak-politiko. Siya kaya ang kumumbinsi kay Hitler na isali ang Japan sa Axis powers? Iginiit ni Yuriko kay Hirohito na matutuwa ang kapatid na Hitler kung sasakupin ang bansa ng ama nila. ‘Yon kaya ang rason kung bakit nilusob ng Japan ang Pilipinas? At ninais ni Hitler maging diktador ng Germany–kung saan nagbunga ang romansa ng minamahal na inang Klara.

‘Yan, hula ng kaibigan, ang rason sa istorya ni "Adolf Rizal." Pumulot ng mga datos sa buhay nina Hitler at Rizal, tapos pinagtugma. Pero babala: Pinili, at tapos pinilit, ang datos. Maraming hindi sinali, para mabuo ang kataka-taka at katawa-tawang teyorya.

Tungkol kay "Rizal Tse-tung", na anak din daw sa labas ni Rizal: Wala itong katibayan sa history books o miski sa kathang-isip. Sinilang si Mao nu’ng 1893 sa Hunan, malapit sa Hong Kong na pinasyalan din ni Rizal. Pero nu’ng panahong ‘yon, naka-exile si Rizal sa Dapitan. Nasa Hong Kong nga siya nu’ng 1888 at 1891, pero di nakarating sa mainland.

ADOLF HITLER

ADOLF RIZAL

ALFRED CHARLTON

HITLER

HONG KONG

JOSE RIZAL

KLARA

KLARA POLZL

RIZAL

YURIKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with