Batas ng mahirap at mayaman pareho ba ?
June 17, 2004 | 12:00am
IBA ba ang batas ng mayaman sa mahirap?
Ito ang naging katanungan ng mga bulong brigade sa mga kuwago ng ORA MISMO diyan sa Social Security System Office sa East Avenue, Quezon City. Sinampahan ng kaso ng mga taga-SSS legal office sina Secretary of Agriculture Luis P. Lorenzo Jr., Ma. Elena Lorenzo, Roberto Jose Castillo, 320 Maria Cristina St., Ayala-Alabang, Muntinlupa City, Juan Miguel Yulo, Arcadia Subdivision, Ortigas, Pasig City at Ma. Rosario Yulo Ong, 17 Canopos St., Bel Air Village, Makati City, dahil sa hindi pagbabayad o pagre-remit ng SSS contribution sa mga pobreng alindahaw na empleado ng L&M Maxco Company sa 5th Floor Fortune Office Bldg., 160 Legaspi Village, Makati City. Sabi nga, paglabag sa Social Security Act.
Ang halagang gusto ng SSS na ibayad ng mga respondents sa mga complainants ay P49.2 million.
Hindi biro ang mga respondents dahil mga multi-millionaire sila at may pangalang iniingatan sa alta sosyedad. Sa Makati City Prosecutors Office isinampa ang kaso pero wala pang decision.
Umangal din ang mga taga-SSS dahil wala silang natanggap umanong subpoena sa isinampa nilang kaso para dumalo sa mga pagdinig pero nabigla sila nang malaman nilang for resolution na pala ang case. DOJ Secretary Merciditas Gutierrez, Your Honor!
Kung bakit nagkaganito, iyan ang hindi maisplika ng mga bulong brigade sa mga kuwago ng ORA MISMO.
Base sa complaint affidavit na binigay ng SSS sa Korte noong October 2, 2003, isinampa ang kaso sa Makati City Prosecutors Office.
Sa affidavit, noong Agosto 2001 hanggang Hulyo 2003 ay hindi na nag-remit ang nabanggit na company sa mga employees nito.
Kaya naman inilagay ng SSS sa talaan ng delinquent employer ang L&M Maxco.
Sa affidavit, nagpadala ng demand letters ang SSS noong Hulyo 24, 2002 na pirmado si Atty. Manuel Rabadan legal counsel ng SSS para magbayad ang kompanyang nirereklamo pero walang nangyari.
Matapos ang isang taon, sumagot daw ang company at magbabayad sila sa pamamagitan ng dacion en pago o pagbabayad ng mga ari-arian.
Pero wala umanong nangyari sa pangako kaya tuluyang kinasuhan ng SSS ang mga pangalang nabanggit sa itaas.
"Ano ang dahilan bakit hindi nagre-remit ang company ng contribution sa SSS?" tanong ng kuwagong magtataho.
"Iyan ang hindi natin alam," sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"May makuha kaya ang mga pobreng alindahaw sa SSS?" tanong ng kuwagong urot.
"Iyan ang abangan natin, kamote!"

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended