Ang CMP ang programa para sa mga urban poor o maralitang taga-lungsod upang mabigyan ng pagkakataon ang mga ito na bilhin at mag-may-ari ng mga lupaing kanilang tinitirhan. Ang halagang nabanggit ay kumakatawan sa 46% sa kabuuang target na P615.5 milyon na ipapautang sa taong ito. Noong nakaraang buwan lamang ay may higit 145 milyong piso ang loan ang na-release na loans para sa CMP. Ang halagang ito ang pinakamalaking release sa nakalipas na 15 taon.
Mula nang mailunsad ang CMP noong 1988, ang pangkaraniwang loan releases bawat buwan ay 25.5 milyong piso samantalang umaabot na ng higit 4.7 bilyong piso ang naipautang sa may higit 1,181 na lugar sa buong bansa.
Patunay lamang ito na ang seguridad sa paninirahan ay binibigyang pagpapahalaga ng kasalukuyang administrasyon. Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na patuloy ang pagdami ng mga naninirahan sa mga lungsod at ang CMP ay ang angkop na programa para sa ating mga kababayang nagnanais magkaroon ng sariling bahay at lupa. Ito ang pangarap ng bawat pamilyang Pilipino at patuloy ang mga ahensiya ng pabahay sa pagtulong sa bawat pamilyang Pilipino na makamit ito.