^

PSN Opinyon

Mga kuwestyon sa kaso nina Salido at Mangulabnan

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
NAG-IWAN ng maraming katanungan itong kaso nina Supt. Jose Salido at SPO4 Arsenio ‘‘Bobot’’ Mangulabnan, kapwa taga-Makati City police. ’Ika nga ay maraming loopholes na kung susuriing maigi ay maaaring sisipa dito kay Sr. Supt. Jovy Gutierrez, ang overstaying na hepe ng Makati City police at kumpareng-buo ni Mangulabnan. Ang isa sa mga katanungan ay kung bakit hindi isinama ni Supt. Ronald Simon Sabug, ang hepe ng Inspectorate Division ng Southern Police District sa imbestigasyon niya sa kaso itong sina PO3 Marvin Pajilan at PO1 Randy Santos, na mga bata ni Mangulabnan.

Sa kanyang limang pahinang affidavit, sinabi ni Rosalie Geronimo alyas Betcha na kasama ni Mangulabnan, na dating hepe ng lokal na AID-SOT, itong sina Pajilan at Santos sa pagre-recycle ng shabu sa Makati City. Mukhang ang gusot nina Salido at Mangulabnan lang ang pinupuntirya ni Sabug at nakakalimutan na ang anggulong recycling ng shabu nga sa siyudad ni Mayor Jojo Binay. Maaga ‘atang naabsuwelto itong sina Pajilan at Santos, di ba mga suki? He-he-he! Hindi parehas itong imbestigasyon ni Sabug?

Kung sa Makati City hindi mahal ng kanyang kapwa pulis itong si Mangulabnan, itong si Sabug ay hindi rin popular sa SPD. Sunud-sunod kasi ang mga sumbong na natanggap natin laban sa kanya mula ng ibulgar natin ang matamis nilang samahan ni Mangulabnan.

Ayon naman sa sumbong ng taga-District Mobile Group ng SPD-kapag hindi ka umatend ng flag-raising ceremony sa Fort Bonifacio, eh mula P300 hanggang P500 ang tara sa ’yo si Sabug para hindi ma-forfeit ang suweldo mo. Kapag minalas ka, aba samahan mo ito ng isang boteng alak. Noong sa Army pa itong si Sabug, panay gatilyo ng baril ang hawak. Pero ng lumipat na siya sa PNP, kung hindi bote ng alak ang hawak palaging nakalaylay ang dalawang kamay, anang taga-DMG ng SPD. He-he-he! Mukhang ginagawang gatasan ni Sabug ang kanyang mga kapwa pulis, di ba mga suki?

Kung sinu-sino naman ang nilalapitan ni Gutierrez para matigil na ang pagbubulgar sa kanyang kumpare na si Mangulabnan nga. Noong una, itinago ni Gutierrez sa anti-carnapping unit itong kum- pare niya pero sinibak rin niya kinalaunan dahil matatalo ang desisyon niya sa rumaragasang public opinion.

Sa ngayon, ang mga kabaro ko sa hanapbuhay naman ang nilalapitan ni Gutierrez para mahinto na ang pagbibira natin ng mga baho ni Mangulabnan diyan sa Makati City. Sa tingin ko naman, hindi siya magtatagumpay.

Ang paboritong laro ngayon ng mga Makati City police ay ang mag-guessing game. Hinuhulaan nila na parang si Madam Auring kung sino ang nagbabato ng impormasyon sa akin. He-he-he! Trabaho lang mga ’tol. Walang personalan!

Kung may nagagalit man sa taga-Makati City police sa tuloy-tuloy nating pagbubulgar kay Mangulabnan, eh marami naman ang natutuwa. ‘‘Little Gutierrez’’ pala ang bansag ng mga kapwa pulis niya kay Mangulabnan dahil kung umasta eh parang opisyal na rin siya at co-terminus kay Gutierrez nga.

Pero ng sunud-sunod na dagok sa buhay niya ang tumama sa kanya, aba biglang naging ma- bait itong si Mangulabnan. Para sa akin naman, tuloy ang laban! Parusahan ang dapat parusahan!

CITY

DISTRICT MOBILE GROUP

FORT BONIFACIO

ITONG

KUNG

MAKATI CITY

MANGULABNAN

SABUG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with