^

PSN Opinyon

Buhay pa ba ang Comelec ?

HALA BIRA - Danny Macabuhay -
BUGBOG sarado na ang Commission on Elections. Maraming batikos at patung-patong ang mga kasong iniharap laban dito. Matagal pa bago mag-elections ay inilulublob na kaagad sa kontrobersiya ang Comelec. Nariyan ang hindi natuloy na computerization project. Naging problema rin ang sistema at kung papaano ipatutupad ang absentee o overseas voting. Problema ang kaguluhan sa registration ng mga botante.

Lalong binabatikos ang Comelec dahil sa ginaganap na bilangan ng National Board of Canvassers sa kongreso. Sabihin mang may bahid ng pulitika ang nagiging takbo ng kaganapan dito, ang Comelec ang lagi nang pinagtutuunan ng paninisi. Kulang na lamang sabihin na ang Comelec ang nasa likod ng mga pandaraya.

Kawawang-kawawa ang Comelec lalo na si Chair- man Ben Abalos. Nagkasakit tuloy. Subalit, ganyan talaga ang pulitika dito sa atin. Patibayan lamang ng dibdib at mukha. Marami pang sasalaging problema si Abalos.

Isa pang nakikita kong magiging pagsubok ni Abalos ay kung papaano haharapin ang isyu ng over-spending ng mga kandidato. Walang naniniwala sa mga inihayag na campaign expenditures ng mga kandidato. Paniniwalaan nga ba ninyo na si GMA ay gumastos lamang ng P333 million? Sabi ng mga eksperto, para manalo ka o gumanda ang laban mo sa pagkapangulo, dapat na gumastos ka ng hindi bababa sa P2 bilyon. Tingnan natin kung papaano hahawakan ng Comelec ang kontrobersyal na isyung ito.

vuukle comment

ABALOS

BEN ABALOS

COMELEC

ISA

KAWAWANG

LALONG

MARAMI

MARAMING

NATIONAL BOARD OF CANVASSERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with