^

PSN Opinyon

Pamilya ang pinaka-ugat

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
GINIMBAL ang mga Pilipino at maging ang mundo sa pagpatay ng isang law student na Pilipino sa kanyang mga magulang at kapatid sa Australia. Hinatulan kamakailan ng hukuman ng habambuhay na pagkakabilanggo ang 23 anyos na si Sef Gonzales sa pagpatay sa magulang at kapatid sa Sydney, Australia noong Hulyo 10, 2001.

Dito sa Pilipinas, hindi na mabilang ang mga kasong parricide at frustrated murder na natala sa police blotters. Noong Mayo lang ay isang addict ang tinadtad ng saksak at pinutulan pa ng mga paa ang kanyang ama. Isa pa ring addict sa Quezon City na binugbog ang kanyang ama at isang ina ang pinagtataga at ang dalawang anak na ikinamatay ng kanyang sanggol. Lango sa ipinagbabawal na gamot ang naturang ina. Ang mga kalunus-lunos na pangyayaring ganito ay patuloy na nagiging palaisipan kung bakit nangyayari ang mga ito.

Makailang beses ding tinalakay ng BANTAY KAPWA ang tungkol sa tinatawag na nurturing and loving home environment sa pamilya. Dapat na maghari ang pagmamahal, respeto at pakikiisa sa isang sambayanan. Dapat na ang mga magulang ay magsilbing role model sa mga anak. Importante ang komunikasyon sa samahang magpamilya. Dapat ang mga anak ay makikinig sa magulang gayundin ang mga magulang sa anak. Dapat pairalin ang tinatawag na ‘‘unconditional love’’ sa mga anak. Dapat na huwag magpakita na may paborito at may kinakawawa. Dapat magkaroon ng free-violence home. Natatandaan ko ang sinabi ng kaibigan kong si Direk W.S. nang maging speaker siya tungkol sa effective parenting. Sabi ni Direk ‘‘If a child lives with ridicule he learns to be shy. If a child lives with shame he learns to feel guilty.’’

DAPAT

DIREK

DIREK W

DITO

HINATULAN

NOONG MAYO

PILIPINO

QUEZON CITY

SEF GONZALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with