Multi-Purpose Loan ng Pag-IBIG

Dear Sec. Mike Defensor,

Ako ay namamasukan sa isang pabrika. Ngayong pasukan ay napakalaki ng pangangailangan naming mag-asawa sa pera para sa pag-aaral ng aming mga anak. May tatlong taon na po akong miyembro ng Pag-IBIG. Mayroon po bang tulong pinansiyal na puwedeng magamit ang mga katulad kong may pangangailangang pinansiyal?
MRS. BELEN SANTOS

Sa mga miyembro po ng Pag-IBIG may tinatawag pong Multi-Purpose Loan (MPL) ang Pag-IBIG Fund na maaaring gamitin ng mga miyembro sa kanilang mga pangangailangan gaya ng minor iprovement sa bahay, pangangailangan sa paggamot, pagpapaaral, pagbil ng mga kagamitan sa bahay, pagsimula ng negosyo at iba pa.

Ang isang miyembro ng Pag-IBIG na may 24 buwang kontribusyon at aktibong nagbabayad sa panahon ng aplikasyon ng MPL ay maaaring umutang. Ang MPL ay papatawan ng interes na mahigit 10% at ito ay babayaran sa loob ng dalawang taon. Ang halagang mauutang ay depende sa Total Accumulated Value (TAV) ng isang miyembro. Ang TAV ay binubuo ng personal na kontribusyon ng miyembro, ang counterpart contribution ng employer nito at ang dibidendo ng mga kontribusyong ito.

Maaari po kayong mag-apply para sa MPL upang may magamit kayo sa inyong pangangailangan. Maaari kayong makipag-ugnayan sa pinakamalapit na Pag-IBIG Branch para sa karagdagang detalye.

Show comments