Ang nagpanggap na agent 0-2-10 este mali NBI pala ay si Jaime Adriano, na may address sa 158 Fortuna St., Pasay City at Unit B2, Ground Floor, Legaspi Towers 300, Roxas Boulevard, Manila.
Ang mga kaso ayon sa NBI Anti-Organized Crime Division ay robbery/extortion, usurpation of authority, grave threats at grave coercion. Take note, NBI bossing Reynaldo Wycoco, hindi biro ang kaso ng pekeng NBI.
Sinampahan din ng ganitong kaso ng NBI-AOCD sina Leonardo R. Martinez, ng Block 1 Lot 27-28 Multinational Village, Parañaque City, SPO4 Arnold P. Tubiera (at large) at Yoshi Seki (at large).
Ganito ang istorya. Nagpunta ang tatlong Pinoy sa bahay ni Ruby at nagpakilalang agent ng NBI si Adriano dahil may reklamo ang isang Shibuya Masaaki na niloko umano ni Panganiban sa hindi nito pagpapakasal sa huli. Dati palang mag-syota si Ruby at Masaaki pero nagkaroon ng problema ang dalawa sa hindi malamang dahilan.
Matapos ang ilang araw ay tumawag sa cellphone si Adriano at humihingi umano ng P4 million, isang Pajero at mga ari-ariang lupa kay Ruby para iurong daw ang reklamo ni Maasaki sa huli.
Nang hindi magbigay si Ruby nagulat ito nang sampahan siya ng kasong estafa sa Bulacan dahil sa special power of attorney na ibinigay ni Masaaki.
Nagulat pa si Ruby nang makita niya sa hearing ang isang Yoshi Seki, na nagpakilala umanong Yakusa sa kanya. Tinakot pa raw siya ni Seki na papatayin siya.
Makalipas ang ilang buwan ay muling tumawag si Adriano para humingi ulit ng tsapit echetera kaya nagdesisyon siyang humingi ng tulong sa mga genuine NBI. Timbog si Adriano.
"Matindi pala si Adriano, anang kuwagong mangungurakot.
NBI agents daw siya iyon pala peke, sabi ng kuwagong pekadores.
May mataas na opisyal sa NBI daw itong pinagyayabang? sabi ng kuwagong Kotong cop.
Alam mo ba ito Atty. Lolito Utitco?
Siguro hindi?
Ano ang nangyari kay Adriano? tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Eh, di natauhan dahil nakulong ito.
Buti nga sa kanya, kamote!