^

PSN Opinyon

"Voluntary na lang daw, o...!"

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
NAGBITIW PO TAYO NG SALITA NUNG NAKARAANG ISYU NG "CALVENTO FILES" NA HINDI NATIN TITIGILAN ANG PAGBABATIKOS NG "BRIDGE PROGRAM" PARA SA MGA INCOMING FRESHMEN SA HIGH SCHOOL NG DEPED.

TAHASANG SINABI KO NA NI "RAILROAD" ITO SA MGA ESTUDYANTE AT SA MGA MAGULANG AT BIGLA NA LAMANG NAGBIGAY NG TEST PARA SA GRADUATES NG ELEMENTARY NA ANG LAYON AY MALAMAN KUNG SINO ANG HINDI "PREPARED" NA PUMASOK SA HIGH SCHOOL DAHIL SA KAKULANGAN ANG KAALAMAN SA "MATHEMATICS, ENGLISH AND SCIENCE."

NAGBIGAY NA NG PAHAYAG SA PAMAMAGITAN NI DEPARTMENT OF EDUCATION SECRETARY, EDILBERTO DE JESUS NA VOLUNTARY NA LANG DAW ANG DAGDAG NA ISANG TAON. IBIG SABIHIN NITO, PARA DUN LAMANG SA GUSTONG LAWAKAN ANG KAALAMAN SA TATLONG MAJOR SUBJECTS NA BINANGGIT.

Voluntary na lang daw, O! Sino naman kaya ang gustong mag-aral ng isa pang taon.? Baka naman meron nga. Subalit sa hirap ng buhay at taas ng lahat ng bilihin, marahil ay langawin ang programang yan.

Inamin din ni De Jesus na napagdesisyunan ng DepEd, dahil hindi nga raw masyadong naipaliwanag ito sa mga estudyante at mga magulang. Ganun din sa mga guro. Hindi ba’t ito rin ang ibig sabihin na "ni railroad" ang programang ito. Kumulaps ang tulay (bridge).

TAPOS NA ANG ISYUNG ITO. Hindi ko po sinasabi na tayo ang dahilan kung bakit nag-iba ng isyu ang DepEd. Kayong mga mulat na mamamayan na hindi na papayag na basta diktahan na lamang ng hindi makatarungan, hindi praktikal at mali kung pag-iisipan. Maganda rin ang ginawa ng League of Filipino Students (LFS) na nagbabalang iboboycott ang pasukan ng klase.

Naiwasan sana ang kahihiyang ito sa panig ng Department of Education ang kahihiyang ito kung plinantsa, pinag-isipan, plinano at higit sa lahat, kinuha ang opinion ng mga taong "involved" sa usaping ito.

"Hindi nga nagkaroon man lang ng consultation among the parents, teachers, school authorities and more importantly the students themselves."

Wala ng MARTIAL LAW. Hindi na pwede na isalaksak sa ating mga lalamunan ang isang bagay na hindi natin kayang lunukin. Isusuka ito ng taong bayan.

Magdadag ng isang taon sa High School? Bakit, nadagdagan ba ang mga guro, mga classrooms, mga textbooks? Nadagdagan ba ang budget ng bawat public schools para ilunsad ang malawakang programang ito?

Sa 1.5 milyong estudyante na kumuha raw ng "preparedness test" (ito ang gustong itawag ni Sec. Edilberto De Jesus) kalahati dito ay lumabas na hindi sila handa pumasok sa high school. Hindi handa ang 750,000 students dahil mababa ang nakuhang marka sa English, Math and Science.

Sino ba ang may kasalan dito? Ang mga mag-aaral? Mga guro? O ang sistema ng edukasyon na ipinatutupad ngayon sa lahat ng mga public schools. "It’s about time that the DepEd reassess its education program and give more emphasis to these subjects where the students are considered weak. Instead of taking so much time on subjects that are irrelevant, impractical and a waste of time and money, why don’t we stretch the length of time for these subjects so the students may learn more and come out more competitive compared to their counterparts in the private schools.

Ang binanggit kong ito ay sinang-ayunan ng isa nating texter (napakarami pong nagreact sa banat natin sa "bridge program" na hindi natin kayang ipublish lahat.).

Gud am this is Jerry fr Lipa: about d brid ge prog is a 2tal discrimination fr poor fam 2 well 2do fam who can afford high tuition fee prvt schs do d deped xhausted their ways and means 2 resolve d problem a give qlty educ! Why not try 2 xtend 40 min to 1 hr 2 give gud quality educ. Mr Deped sec pls study the additional year first bcos it’s a burden 4 poor fams. — 09228093705


Tatapusin na natin ang tungkol sa "The Bridge that Collapsed" o ang isyu tungkol sa "Bridge Program" ng DepEd. Nais din natin pasalamatan ang lahat ng nakiisa, nagbigay sa atin ng mensahe, tumawag sa telepono at nagbigay ng mga "words-of-encouragement" para ipagpatuloy ang pagtatalakay ng programang ito.

PARA SA ANUMANG COMMENTS O REACTIONS, MAARI KAYONG MAGTEXT SA 09179904918. MAARI DIN KAYONG TUMAWAG SA 7788442.

BRIDGE PROGRAM

DE JESUS

DEPARTMENT OF EDUCATION

DEPED

EDILBERTO DE JESUS

HIGH SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with