Ang Pag-IBIG Fund ay may humigit-kumulang na limang milyong myembro sa buong bansa. Ang kontribusyon sa pondo ay binubuo ng personal na kontribusyon ng miyembro at ang kontribusyon ng employer (o tinatawag na employer counterpart). Ang dibidendo ay idinadagdag sa mga kontribusyong nabanggit at ang kabuuan ay tinatawag na Total Accumulated Value (TAV) ng bawat miyembro.
Ayon sa batas, dapat na 70% ng kabuuang kita ng pondo ay kailangang ideklarang dibidendo para sa mga miyembro. Ang dibidendo para sa 2003 na ukol sa mga miyembro ay mas mataas pa ng 10 percent sa sinasaad ng batas. Ito ay patunay lamang sa masidhing pagnanais ng pondo na isulong ang kapakanan ng mga miyembro nito at ang pagtugon sa kanilang pangangailangan.
Magpapatupad din ng ilang reporma upang lalong maging mas mabilis ang ilang serbisyo lalo na sa mga regional branches at upang mas maraming miyembro ang maaaring makinabang sa mga programa at serbisyo ng pondo. Makakaasa po ang mga miyembro ng Pag-IBIG Fund sa matapat at mahusay na serbisyo upang hindi lamang sa pabahay kundi sa panahon ng pangangailangan.