SPO4 Bobot Mangulabnan sinibak na ni Sr. Supt. Jovy Gutierrez

SINIBAK na rin ni Sr. Supt. Jovy Gutierrez, ang hepe ng Makati City police ang kumpare niyang si SPO4 Arsenio "Bobot" Mangulabnan bilang hepe ng lokal na anti-carnapping unit. Sa mahigit tatlong taon niya sa puwesto, itong pagsibak niya kay Mangulabnan ay maaari nating sabihin na isa sa mga tamang desisyon ni Gutuerrez, di ba mga suki? Sa paglisan ni Mangulabnan sa kanyang puwesto, na-pacify ni Gutierrez ang kumukulong dugo ng rank-and-file laban sa kanyang kumpare na kung umasta ay talo pa ang hepe nila, anang mga sumbong ng kapwa nila pulis. Maging ang maverick na Makati City Mayor Jojo Binay ay nairita na rin sa iringan nitong si Mangulabnan at Supt. Jose Salido na naka-floating status sa ngayon. Alam naman ni Binay na minamatyagan ng Palasyo ang lahat ng kanyang kilos bilang campaign manager ni Fernando Poe Jr. ng Oposisyon at hindi niya mapakinabangan ang pulisya niya kapag sila-sila mismo ay nag-aaway pa. Kaya si Mangulabnan sa ngayon ay naka-floating na rin at ang tiyak ng kapwa niya pulis, patay na rin ang mga ilegal na negosyo niya, he-he-he! Nagtapos na rin kaya ang hirap ng taga-Makati sa pagka-floating ni Mangulabnan?

Itiniklop na rin ni Mangulabnan ang mahigit sampung video karera niya na nakalatag sa mga lugar kung saan ay maraming adik. Pero nakahuli muna ang mga presinto ng dalawa niyang makita. Ang modus operandi pala nitong grupo ni Mangulabnan ay manghuli ng mga makina at sila na rin mismo ang lalatag nito para kumita rin ng barya. Pinapalabas ni Mangulabnan na taga-Laguna ang operator ng makina niya na bokya pa sa lingguhang intelihensya. Magulang talaga itong si Mangulabnan, ’no mga suki? Hindi pala marunong mag-spread ng sunshine kaya’t hayan, marami ang naiirita sa kanya.

Kaya siguro hindi sinibak kaagad ni Gutierrez itong si Mangulabnan ay para magkaroon pa siya ng asim habang nasa puwesto pa. Kaya’t kung anumang ilegal na iniwan ni Mangulabnan sa AID-SOTF ay maaari niyang ipagpatuloy dahil may pangil pa siya. ’Ika nga, kung ano ang kinikita niya sa kalye noong nasa AID-SOTF pa siya ay siya ring kikitain niya. Pero dahil nasa floating status na siya, aba, maaaring hindi na maglagay sa kanya ang mga ilegal sa kalye, he-he-he!

Talagang hindi habambuhay ang suwerteng dumarating sa atin, Sir Bobot. Bawi ka na lang at ’yan ay kung makaahon ka pa. Ayon naman sa balitang nakarating sa akin, hindi rin maganda ang ugali nitong kumpare ni Gutierrez. Nang maasunto umano ito at mawala sa serbisyo, pinahiram siya ng kanyang isa pang kumpare ng dalawang klaseng baril para pang-depensa sa sarili dahil marami na siyang nasagasaan. Pero hanggang sa ngayon ay hindi pa niya ito isinosoli. Si Ching Eco ba ’yon? Nagpunta rin siya sa Japan noong dismiss na siya at sinuba rin niya ang kaibigan niya ng $2,000. Si Boyet Samoy ba ’yon? Kaya siguro nanghataw na rin itong si Mangulabnan para mabawi ang nagastos niya sa pagbalik niya sa pagka-pulis, anang kapwa niya Makati police. At kaya naman siguro lumaki ang ulo niya at binangga pati ang superior officer niya na si Salido sa akalang kakampihan siya ng kumpare niyang si Gutierrez nga. May parating kaya itong si Mangulabnan kay Gutierrez?

Show comments