CIA palpak pala
June 8, 2004 | 12:00am
NAGBITIW noong Biyernes si Central Intelligence Agency (CIA) Director George Tenet . Matagal-tagal na ring tinutuligsa ang itinuturing na pinakamakapangyarihang ahensiya ng pang-eespiya sa buong daigdig dahil sa kahinaan nito ng pagbibigay ng impormasyon sa intelihensiya.
Naging sentro ng paninisi ang CIA nang atakehin ng Al-Qaeda ang New York at Washington noong September 11, 2001. Walang makapaniwala na maaaring mangyari ang kahindik-hindik na paglusob sa United States. Dito unang lumitaw na wala palang sinabi ang CIA sapagkat hindi man lamang naamoy na aatake ang mga terorista.
Lalong nabulgar ang kapalpakan ng CIA nang hindi napatunayan hanggang ngayon na si Saddam Hussein ay nagtatago ng weapons of mass destruction. Dahil dito, nalagay sa malaking kahihiyan si US President George W. Bush at ito ang hinuhulaang naging dahilan ng pagbibitiw ni Tenet.
Kung ganito ang uri ng Intelligence sa US, ano naman kaya sa Pilipinas? Gaano kagaling? May kaalaman ba ang mga humahawak nito sa ating bansa lalo at may banta ang mga terorista?
Alam ba ng intelligence network ang kilos ng mga ito? Sana ay hindi tayo parang isang sisiw na dadagitin na lamang ng walang kalaban-laban.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended