^

PSN Opinyon

NFA middleman Francisco Dio, hindi ka uubra sa BITAG

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
DAHIL sa problemang teknikal ng aming editing department sa BITAG, hindi umabot sa tamang oras ‘yong aming episode sa IBC-13 na dapat napanood n’yo nitong nakaraang Sabado.

Sa halip napilitan kaming mag-replay. Marami ang mga tumawag sa amin dahil inaabangan nila ‘yong segment na tangkang panunuhol sa akin ng isang middleman ng National Food Authority sa South district na si Francisco Dio.

Si Dio ay isa sa mga malalaking middleman ng NFA South District na ang espesyalidad ay "pag-nanakaw" (diversion) ng mga bigas para sa mga mahihirap o Targeted Rice Development Program (TRDP).

Ngayong darating na Sabado, mapapanood n’yo ang nagmamakaawang "kawatan" na gusto raw akong maging kaibigan? Ayon pa sa kawatang ito, hindi raw siya takot sa imbestigasyong gagawin ng Enforcement Investigation Prosecution Division (EIPD) ng NFA.

Sa bibig mismo ni Dio habang kausap niya ako sa telepono mas takot daw siya sa BITAG lalo na’t kapag naipalabas ko ‘yong paghuli namin sa kanyang tsuper ng truck na si Zara.

Matatandaan hulog sa aming BITAG ang truck ni Dio habang binababa ‘yong mga bigas sa warehouse nitong hinayupak na si Jimmy Pagulayan ng Maricaban, Pasay.

Huwag naman sanang atakihin sa puso o ma-stroke itong si Dio kapag napanood niya ‘yong segment ngayong Sabado sa tangkang panunuhol niya sa telepono nai-taped ko lingid sa kanyang kaalaman.

Ayon sa aking source na taga-loob kaya malakas ang loob nitong si Dio isagawa ang kanyang pagnanakaw o diversion dahil hawak niya raw ‘yong assistant regional director maging ang dating general manager ng South District Office (SDO) ng NFA na si Roberto Musngi.

Ayaw kong paniwalaan ang umuugong na balita na pati raw ang hepe ng EIPD na ang tanggapan ay nasa Central Office sa E. Rodriguez ay hawak daw rin nitong si Dio.

Nakatutok pa rin ang BITAG sa kaso ni Dio at sisiguraduhin namin na nalalaman ni NFA Administrator Arthur Yap ang mga bagay na hindi nakakaabot sa kanya.

May sariling "watch list" ang BITAG sa mga kawatan at mga kawaning nalalagyan ng mga sindikatong labas pasok sa loob ng NFA. Kasalukuyang nasa surveillance na namin sila ngayon.
* * *
Bitag hotline numbers, para sa mga naabuso, naaapi, at biktima ng panloloko o anumang uring katiwalian, i-text, (0921) 3193764 / (0918) 9346417 o tumawag sa mga numerong ito 932-8919 / 932-5310.

Manood tuwing Sabado, 7:00-8:00 p.m. IBC-13, "BITAG"

ADMINISTRATOR ARTHUR YAP

AYON

BITAG

CENTRAL OFFICE

DIO

ENFORCEMENT INVESTIGATION PROSECUTION DIVISION

FRANCISCO DIO

SABADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with