Sr. Supt. Jovy Gutierrez iwanan mo muna ang kumpareng si SPO4 Arsenio Mangulabnan
June 6, 2004 | 12:00am
MAGKUMPARENG-BUO pala sina Sr. Supt. Jovy Gutierrez, hepe ng Makati City Police at si SPO4 Arsenio Bobot Mangulabnan na inakusahan ng isang drug pusher na nasa likod ng pagpapakalat ng shabu sa siyudad ni Mayor Jojo Binay. Ngayon mga suki, alam nyo na kung bakit naka-puwesto pa sa anti-carnapping unit si Mangulabnan samantalang ang mga opisyal ng pulisya na naapakan niya ay nasa kangkungan o floating status. Sina Gutierrez at Mangulabnan ay nagsama sa opisina ni dating SPD director Gen. Ruben Escarcha kayat mahaba na ang relasyon nila. Iba talaga ang may pinagsamahan, di ba mga suki? Pero sa isyung ito ng droga, dapat iwanan muna ni Gutierrez sa ere ang kumpare niya dahil kung hindi may posibilidad na pati siya ay madamay pa at mahatak pababa. Yan ay kung mahal pa ni Gutierrez ang trabaho niya, he-he-he! Tiyak na mahal dahil ayaw niyang umalis kahit overstaying na siya.
Bunga sa ibinulgar nating mga makina na video karera ni Mangulabnan, aba kumilos na rin si Gutierrez at pinahahanap niya ang mga ito para makumpiska. Pero sa tingin ko naman, cosmetic lang ang reaction ni Gutierrez dahil alam naman ng mga taga-presinto kung saan ang mga makina dahil nagtabi-tabi si Mangulabnan sa kanila. Kaya kung ang mga makina ni Mangulabnan ang gagawing basehan, may laman sa tingin ko ang bintang ng drug pusher na si Rosalie Geronimo alyas Betcha na talamak na ang bentahan ng droga sa siyudad ni Binay dahil sa mga tiwaling pulis diyan. Alam naman natin na ang mga adik lang ang nasisiyahang magpalipas ng kanilang oras sa video karera kayat sa ginawang negosyo ni Mangulabnan, tiyak na wala siyang talo. At sinisiguro ko, kung saan ilalatag ni Mangulabnan ang kanyang makina, eh maraming adik doon kayat limpak-limpak ang coins out niya, he-he-he! Tumatabo rin kaya si Gutierrez sa ilegal na negosyo ng kumpare niya? Ano sa tingin nyo mga suki?
Kung mahal ni Gutierrez ang kumpare nya, taliwas naman ang pagtingin ng kapwa niya pulis sa Makati City kay Mangulabnan. Marami kasi ang tumawag sa akin at sinabing dog eat dog ang pamamaraan ni Mangulabnan para kumita ng pera. May mga kapwa niya pulis daw na lumalapit kay Mangulabnan, noong hepe pa siya sa AID-SOTF para aregluhin ang mga kamag-anak nilang nahuli sa drug session pero ang siste imbes na pagbigyan sila, eh lumalaki pa ang tara. Walang pulis-pulis kay Mangulabnan, at ang importante lang ay kumita siya sa lahat ng madampot niya, anang mga tumawag sa akin. Kaya naman abot langit ang asta ni Mangulabnan sa siyudad ni Binay ay dahil alam niyang sasanggahin siya ng kumpare niyang si Gutierrez.
Ang kautusan nina Dep. Dir. Gen. Edgar Aglipay at SPD director chief Supt. Prospero Noble ay i-relieve sa puwesto si Mangulabnan habang iniimbestigahan ang ibinulgar ni Geronimo na siya ang nasa likod ng malawakang shabu recycling sa Makati City pero hindi ito sinunod ni Gutierrez. Kung sabagay, mahabang taon nang hindi napalitan bilang hepe ng Makati City si Gutierrez kayat ang lahat ng alahas sa katawan ay meron siya kayat matigas ang ulo niya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am