^

PSN Opinyon

Pagkatalo ni Barbers kasalanan ng anak

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
NAUNGUSAN si Senador Robert Barbers ni Senador Rodolfo Biazon sa huli at 12th slot sa labanan sa senado. Ang lamang ni Sen. Biazon kay Barbers ay mahigit 10,000 boto lang at nabawi sana mula sa isang sektor lang ng lipunan na sinabihang hindi kailangan ng reelectionist senator ang boto.

Kung si Biazon at ang buong pamilya ay naging mapagkumbaba upang makalap ang lahat ng maaaring boto, ang isang miyembro ng pamilya ni Barbers ay nagyabang pa at sinabing hindi kailangan ng kanyang ama ang boto na manggagaling sa sektor na ito.

Ang sektor na ito ay hindi naman kalakihan pero kayang humatak ng boto dahil maimpluwensitya sa kani-kanilang komunidad ang mga miyembro ng sektor na ito.

Ito ay ang sektor ng turismo, lalo na mga empleyado ng Department of Tourism at Philippine Tourism Authority. Pag pinagsama ang dalawang opisinang ito ay aabot ang bilang sa mga limang libong empleyado. Hindi pa kasali riyan ang mga dating empleyado ng dalawang nasabing opisina na karamihan ay lumipat sa pribadong sektor pero sa pamilya pa rin ng turismo.

Ang mga kaibigan at araw-araw na kasama ng mga opisyal at mga empleyado ng dalawang ahensiya ay napakarami rin dahil involved na sila sa promotions ng turismo kaya siyempre kahit sa bidahan sa mga kainan at inuman ay sila ang isa sa mga bangka dahil sa mga kuwento nila tungkol sa mga magagandang tanawin na narating na nila o kung hindi kaya’y mga nakakatawang pangyayari o kakaibang karanasan.

E paano pa ang pamilya at kamag-anak nila, multiply na lang natin sa lima bawa’t isa di 25,000 na ang bilang. Kaya pag tiningnan natin ang boto na manggagaling sa sektor ng turismo, particular na sa DOT at PTA ay panalo sana si Senator Barbers.

Kaso, natuklasan natin, eto palang si Dean Robert Barbers ng PTA ay narinig ng ilang mga empleyado ng dalawang opisina na nagsasabing hindi niya kailangan ang boto ng tourism family.

Harap-harapan niyang sinabi sa mga empleyado ng PTA na "hindi nila kailangan ang boto ng PTA," sa meeting ng ADEPT, ang employees union ng naturang ahensiya, sa DOT Auditorium ng mag-General Assembly. Kung bakit niya sinabi yon, mahirap ipaliwanag pero sino nga naman ang mga empleyadong yon kumpara sa kanya na isang Barbers.

Ilang beses din siyang narinig pagkatapos makipag-usap at tanggihan ang ilang mga travel agents at mga tourism organization na tumulong sa mga proyekto nila. Ayaw niyang tulungan sa promotions ang mga ito kahit na ilang taon na itong ginagawa ng mga naunang Tourism Secretary at PTA GM dahil mas importante raw ang kanyang mga proyektong longest bunting at ngayon ay longest o tallest hairstyle.

Kahit nga kay Tourism Secretary Obet Pagdanganan ay ayaw niyang mag-cooperate sa promotion ng turismo. Sa madaling salita gusto niya solo flight dahil magaling kasi siya.

Ewan ko lang kung may loko-lokong turistang pumasyal dito para tingnan ang pinagbuhol- buhol na banderitas at ngayon naman ay nais niyang makilala ang ating bansa sa pagiging weirdo dahil sa longest hairstyle.

Mabuti pa sana ay sinama na lang niya sa Guiness Book of World Record ang dami nang bulaklak na pinadala niya sa isang hotel sales representative ng birthday nito. Baka puwede ma-record yon sa most number of flowers sent on the birthday of a pretty and charming hotel representatives. Maaari ring maitala yon dahil sa dami ay napuno ang opisina ng naturang maganda at matangkad na hotel representative. Bukod pa roon yung pinakita niyang pagmamahal sa industriya ng turismo dahil pinasaya niya ang beautiful sales representative na ito.

Pero hindi dadagsain ang Pilipinas ng turista para tingnan ang ka-weirdohang yan, baka ang dumagsa ay mga nagtitinda ng shampoo o mga florist na gustong kumita ng konti.

Anyway, ano magagawa natin, magaling talaga si Dean Barbers kaya siyempre mas magaling siya sa mga marami ng experience sa turismo kaya dapat siya ang masunod. Isipin n’yo nga naman ang experience niya sa turismo, naging konsehal siya ng Makati pero isang beses lang at hindi na nanalo pa. Naging empleyado rin siya ng PAGCOR pero hindi sa Marketing o PR department man lang na nagdadala ng mga high roller sa ating mga casino.

Kaso problema niya o ng erpats niya pala, masunurin ang mga taga turismo kaya tinandaan ang sinabi niyang hindi niya kailangan ang boto nila.

Kung hindi naman kailangan, bakit ibibigay, kaya doon na lang ibigay sa mga nangangailangan at nais yon gaya ni Senator—elect at dating Tourism Secretary na si Richard "Dick" Gordon na niligawan ang boto ng lahat ng sektor kasama na ang tourism family. Si Gordon kasi alam na politics is addition kaya dapat lahat ng sektor makuha.

Eh si Dean, isang beses lang nga tumakbo hindi na nakaulit kaya ang alam siguro ay feudalismo at hindi present day politics, kaya yan talo si Sen. Barbers. Nanalo bilang kongresista, naging senador at hindi inaasahang matatalo. Sayang! Kaso hindsight is a perfect science pero yun na nga hindsight, tapos na, huli na ang lahat. Tsk! Tsk! Tsk!
* * *
Para sa anumang reaksyon, sumulat lang sa nixonkua @yahoo.com o kaya’y mag text sa 09272654341. Mapapakinggan n’yo rin po ang inyong lingkod sa DZEC 1062 mula 4:30 hanggang 6:00 ng hapon, Lunes hanggang Huwebes.

BOTO

KASO

KAYA

LANG

NIYA

SEKTOR

TURISMO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with