^

PSN Opinyon

Wala sa States niyan!

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
MAGALING talaga ang auditor na inassign ng Commission on Audit (COA) sa Air Transportation Office. Bakit kanyo? Ipapaliwanag natin iyan pero ang unang dahilan ay malaki ang natitipid niya para sa ating bansa kaya siguro ay nararapat natin siyang ipromote at sabitan pa ng medalya.

Isipin n’yo na lang itong si Auditor Jimmy Gianan ay na-assign sa ATO ng COA upang i-audit ang naturang ahensiya ng gobyerno na ang katungkulan ay tiyakin ang safety ng mga airport sa buong bansa at lahat ng eroplanong lumilipad sa himpapawid ng Pilipinas.

Pero bukod sa kanyang trabaho na mag-conduct ng audit ng ATO ay minabuti niyang tumulong sa ibang bagay kagaya ng pagiging aviation safety inspector. Kita n’yo, auditor na aviation safety inspector pa. Ang galing-galing ano!

Kita n’yo na ba ang kagalingan nila, simple lang mga kaibigan, kesa magpadala pa ng mga aviation expert ang dating ATO Chief na si retired Maj. Gen. Adelberto Yap sa Los Angeles, United States of America upang mag-conduct ng station facility and ramp inspection ay si Gianan na ang pinadala.

O hindi ba malaking tipid yan dahil two in one ang trabaho ni Gianan? Tsaka kaya ba ng ibang mga auditors yan, kahit ang COA Chairman ay hindi kaya yan.

Pero hindi lang yan, daig pa niya si Eddie Gil sa comedy, dahil napatawa niya ang mga aviation expert ng bansang United States dahil kakaiba tayo sa Pilipinas dahil auditor at Certified Public Accountant (CPA) pa ang pinadala natin para mag-inspeksyon ng cockpit enroute, cabin en route at station facility and ramp inspection sa Los Angeles, California, USA. O meron ba kayo sa States niyan? Wala, kaya naman tuwang-tuwa ang mga Amerikanong aviation experts, lalo na ang mga miyembro ng United States Federal Aviation Authority (US FAA) kaso nga lang tayo ang pinagtatawanan. Pero malay n’yo sa galing natin magpatawa, sabihin nilang magaling tayo sa safety. Ha-ha-ha-ha!

Pahabol pa pala, galing talaga ni Gianan. Bakit? Alam n’yo bang may baon pa siya at hindi naman galing sa gobyerno dahil nagtitipid siguro si Gen. Yap na ngayon ay nasa Clark Air Base.

Binigyan niya ng travel order si Gianan at may inutos pa sa Philippine Airlines na kailangan meron pang daily allowances para sa walong araw na pamamasyal, este pagtatrabaho sa US na kasama ang hotel accommodations at pre-departure expenses na nagkakahalaga ng US$400. Walong araw, ibig sabihin, $400 times eight days equals $3,200. Wow na Wow at daig pa ang WOW Philippines campaign ng Department of Tourism hindi ba?

Pero hindi pa riyan nagtapos, pagkatapos gumawa ng inspeksyon sa LA, siguro kasama na ang pag-audit at safety check sa mga rides sa Disneyland at Hollywood, patutunayan na naman ni Gianan ang kanyang husay.

Ngayong Hunyo 6 ay bibiyahe na naman ang jack of all trades na si Gianan. Sa Las Vegas naman siya naka-schedule magpunta at ngayon naman ay para tiyaking ligtas ang repair station facility sa Las Vegas ng Philippine Airlines.

Bukod doon sa mga safety technical facilities ng PAL ay dapat siguro niyang samantalahin na ang pagkakataon at tingnan niyang maigi kung tama ba ang operasyon ng mga casino doon. Tingnan na rin sana ni Ginoong Gianan kung ligtas ang mga rides sa Las Vegas at idamay na niya ang mga stage kung saan kumanta ang ating mga artista. Dapat matatag ang mga ito at baka mahulog. Mr. Multi-tasking ang dapat itawag sa kanya hindi ba?

Gaya ng nauna niyang lakad sa US noong 2002, nakita ng hepe ng ATO ang galing niya kaya binigyan siya ng travel order na binigay ngayon ni ATO Chief Nilo Jatico, isa ring retiradong Air Force na humalili kay Gen. Yap. Kita n’yo naman ang galing niya, auditor, safety inspector at lagi pang personal na confidante at kaibigan at tiyak pinagkakatiwalaan ng ATO chief.

O kaya n’yo ba yan, siya rin ang inutusang gumawa ng technical na trabaho at matindi pa riyan Champion talaga siya dahil daig niya ang mga ibang COA auditors sa buong bansa. Under siya sa COA pero ang travel order niya, galing sa ATO Chief. Oops! Taga saan nga pala siya, dapat siguro sumuweldo siya sa dalawang opisinang yon pero ayaw niya siguro dahil nagtitipid siya para sa gobyerno. Anong say n’yo? Magaling siya hindi ba?

O ano ngayon, tama ba tayo, WALA SA STATES NIYAN! Only in the Philippines! Ingat lang Gen. Jatico baka kunin ng mga Kano, wala silang ganyan.
* * *
Nagtext lang ako abt ur article ugaling pinoy na dapat baguhin. Sabi nga kung binigyan mo ng isda ang iyong kapatid pinakain mo lang siya ng isang araw nguni’t kung tinuruan mo siyang mangisda habang buhay mo siyang pakakainin. —-85294520489.

Sangayon ako s cnabi mo mrami tlaga ang utak biya s lipunan. Yan makikita mula s mga sen & kongresista na hanggang ngayon inuubos ang oras s wala smantala npkdali lng ggwing pgblang hanggang s mga smple mmmyan n umaasa lang sa bya2 pro ayaw mgsikap. Ung gusto ptambay2 tapos isi2 sa kpwa khirapan nla. —- 09174090979.
* * *
Para sa anumang reaksyon, sumulat lang sa nixonkua @yahoo.com o kaya’y mag-text sa 09272654341. Mapapakinggan n’yo rin po ang inyong lingkod sa DZEC 1062 mula 4:30 hanggang 6:00 ng hapon, Lunes hanggang Huwebes.

GALING

GIANAN

KITA

LANG

NIYA

PERO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with