GRABE na ang kitid ng pag-iisip ng ilan sa ating mga kababayan. Umabot na sa puntong mahal daw nila ang demokrasya pero ang kanilang paniniwala at opinyon lang ang gusto nilang masunod.
Iba sa kanila, kasama na itong si
09263030576 na ang taong kakaiba ang opinyon sa kanya ay bayaran ng kampong kagalit niya. Ganoon na ba tayo kababaw? Paano kung ang sabihin ko ay ikaw ang bayaran ng kampong kinakampihan mo? Malay ko nga baka bayaran ka at hindi pa malaki ang tinatanggap mo kung hindi barya- barya lang pero sinanla mo ang kinabukasan ng pamilya mo.
Iba naman sa ating mga kababayan ay galit pag may column tayo na hindi ukol sa pulitika at hindi binabatikos si Madam Senyora Donya Gloria. Yung iba naman galit pag kinakampihan daw natin si Sir Senyor Don Fernando Poe Jr.
Inuulit natin, kahit sino sa kanilang dalawa ang manalo sa halalang ito, tatanggapin natin at nanaising maging matagumpay para sa kapakanan ng ating bayan pero huwag silang magkakamaling mangurakot o magnakaw, banat ang aabutin nila.
May ibang galit kagaya ni
09185603910 na ngawa nang ngawa dahil hindi na raw natin binabatikos si Madam Senyora Donya Gloria at dapat daw kampihan natin ang kampo ni FPJ.
Pag tama ang ginagawa kakampihan natin pero pag mali, hindi tayo sasang-ayon diyan. Bubulgar natin agad yan, gaya ng ginawa natin kamakailan ukol sa mga comfort room ng Ninoy Aquino International Airport.
GM Ed Manda ng NAIA, yung hinihingi naming dokumento, nasaan na? Baka naman may tinatago talaga kayo. Ganoon din sa Air Transportation Office, tuloy ba ang junket diyan sa Las Vegas, abangan nyo at tatalakayin natin sa susunod na column.
Ang mga sinisiwalat natin ay laban sa katiwalian, lalo na ang mga anomalya sa gobyerno. Tuluy-tuloy natin itong ilalantad, pero huwag nyong ipilit ang katwiran nyo sa amin.
Sa mga katulad namin sa industriya ng media ay importante sa amin ang demokrasya at karamihan sa mga matatagal na sa diyaryo, radyo o television ay naranasan ang ma-censor kaya ayaw na naming mabalik ang panahon na mawawalan ng Freedom of Speech at Press Freedom.
Kahit na sabihin nilang abusado minsan ang media, mas mabuti ang abusadong media kesa gag media.
Kaya kayo riyan na pinagpipilitan ang inyong opinyon at galit kung hindi kami sang-ayon sa kagustuhan nyo, bakit hindi kayo magpunta sa lugar na walang demokrasya at tingnan natin ang tapang nyo roon.
Yun kayang mga bansa sa Middle East gaya ng Iran o Libya, doon nyo patunayan ang tapang nyo. Mas bagay kayo roon dahil utak uod kayo, makitid at alam nyo kung sino kayo.
Gusto ko lang pong mag-react dun sa mga sinulat nyo sa PSN, dated May 20, 2004,tama po kayo. Isang malaking hamon para sa new elected President, ang ipakita at gawin ang mga nararapat gawin bilang pangulo. Sana ay kanyang tupdin ang kanyang mga pangako noong panahon ng kampanya. Gayundin, dapat niyang sulusyunan ang mga problemang kinakaharap sa ngayon ng ating bansa, lalo na sa ating ekonomiya. Nakakagulat talaga kung gaano kalaki ang utang ng ating bansa. -
shaomess55@yahoo.com GOOD DAY TO YOU! napakaganda po ng inyong editoryal tungkol sa iba pang ugaling pinoy na dapat baguhin. Naka-relate po ako ng husto dahil sa aking personal na karanasan. dahil po dito sa paksang tinalakay ninyo ay nakahugot ako ng lakas ng loob para maprotektahan ko ang aking sarili sa mga abusadong tao at kamag-anak. Maraming salamat po at MORE POWER!
mnj0625@hotmail.com Dapat po talagang tigilan na ng ating mga kababayan ang ganuong uri ng pag-uugali. Hindi tayo uunlad sa ganyan. Kawawa naman yong mga kamag-anak nilang nagpupumilit na umunlad pero konting angat pa lang eh andyan na agad ang mga kapamilya nilang humihingi ng tulong. Mas nakakaasar pa nga yong mga kamag-anak na naaalala ka lang kung may kailangan sa iyo. Minsan nga tatanungin mo pa ang sarili mo "aba may kamag-anak pa pala ako."
iskul_boi@yahoo.com Ngayon lang ako uli nakabasa ng Pilipino Star NGAYON dahil kapos lagi sa budget nagtitipid kasi sa pang araw-araw na gastusin. At dati suki talaga ako ng diyaryo nyo pero noong mga nakaraang taon inalis ko muna ang diyaryo sa budget ko dahil unti-unti kong naramdaman ang kahirapan na ng buhay. At gaya nga ng sabi ko bumili ako kanina ng diyaryo petsa 25 ng Mayo. Nagustuhan ko ang paksa mo tungkol sa mga ugali na dapat nating baguhin. Walang sablay talaga ang mga sinabi nyo dahil totoong nangyayari talaga ito sa lipunan natin. Naging kultura na yata natin itong mga Pilipino. Ako man ay may karanasan na tulad nila Vilma at Jun. Tama ka sa pagkasabi mo na ang pag-uugali na ito ang nagpapahirap sa mga Pilipino at sa bansa natin. Ginawa din sa akin ito pero hindi ko hinayaan na masanay ang mga taong kasangkot. Nagkasamaan talaga kami ng loob ng mga in-laws ko noon buti na lang ang asawa ko maunawain at kahit masama ang loob nya sa akin lagi nyang sinasabi na tama naman ako sa mga sinasabi ko sa mga kapatid at mga magulang nya. Matutuwa ka ba naman pagsabihan ka na: "Kayong mag-asawa ang mayroon kaya mamahagi rin kayo!"? Sinagot ko rin na: "Paano na lamang ang kinabukasan ng mga anak kong mga musmos pa? Kung kayo walang pinapangarap noon para sa sarili nyong mga anak, ako meron! Hindi ko pwedeng saluhin ang pagkukulang nyo sa mga anak nyo at isasakripisyo ko ang sarili kong mga anak! Ibahin ko ang pagpalaki sa kanila at hindi tulad sa sistema nyo." Gyera patani talaga Mr. Kua, umalis kaming mag-asawa sa inuupahan naming bahay at iniwan ito ang mga bayaw at hipag ko doon at naghanap na lang kami ng ibang bahay na matirhan. Whew! Nalampasan ko rin ang ganong pagsubok. Hindi naman sa masama ang ugali ko Mr. Kua pero sa nakikita ko kasi maghihirap lang lalo ang buhay ko kung may kakarguhin pa akong ibang tao lalo kung mga batugan at palamunin lamang. Mahilig ako magbasa Mr. Kua at doon ko napagtanto na ang tunay na nagpapabigat sa buhay ng mga Pilipino ay ang itong umaasa sa mga taong binayayaan. Pero ako ay naniniwala na ang taong biniyayaan ay ito mga masisipag at masikap lang sa buhay. Sagad talaga sa mali ang mga pag-uugaling ito. Walang masama sa pagtulong pero kung itoy inaabuso na, hindi maganda ang idudulot nito. Karamihan na sa mga Pilipino ngayon ay mga tamad na. Tingnan nyo mga kababayan napag-iwanan na tayo ng mga karatig bansa natin. Sa nakikita ko lang sa bansa natin, ang nagkakalat na basura ay pahiwatig lamang na ang mga nakatira itto ay mga TAMAD. Sana magbago na ang karamihan sa atin para sa kaginhawaan nating lahat. Yon lang po Mr. Kua, ipagpatuloy nyo ang inyong mga gawain dahil hinahangaan kita.
gevi_darryl9901@yahoo.com Para sa anumang reaksyon, sumulat lang sa
nixonkua@yahoo.com o kayay mag text sa
09272654341. Mapapakinggan nyo rin po ang inyong lingkod sa DZEC 1062 mula 4:30 hanggang 6:00 ng hapon, Lunes hanggang Huwebes.