Abangan ang susunod na kabanata
June 1, 2004 | 12:00am
NANGANGAMBA ako sa kalalabasan ng magkasanib na sesyon ng Kongreso at Senado bilang National Board of Canvassers sa linggong ito. Marahil ay may kinalaman ito sa mga naganap na balitaktakan nang nakaraang linggo. Sa halip na maging mabilis at maayos, naging magulo at masalimuot ang sesyon.
May pakiramdam ako na lalong magiging isang karnabal ang pagtitipon na ito ng mga mambabatas. Wala nang mahalaga sa mga ito kundi ang pansariling interes. Ewan ko kung alam na ng mga mambabatas na naiinis ang taumbayan sa napakakupad na proseso ng eleksiyon dito. Pero, umaasa ako na hindi naman sila manhid sa damdamin na ito ng ating mga mamamayan. Simple lang naman ang hinihiling ng bayan. Ideklara na kaagad ang mga nanalo sa pagka-presidente at bise presidente.
Sa mga senador at mga kongresista, isantabi na ninyo ang pulitika. Hindi kayo nagtitiwala sa isat isa nang dahil sa pulitika kung kayat ang pinoprotektahan ninyo ay ang mga kandidato na pinakikinabangan ninyo. Mag-ingat kayo, baka kayo na ang harapin kapag hindi na makatiis ang taumbayan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 2, 2024 - 12:00am