Hijackers naglipana sa labas ng airport
June 1, 2004 | 12:00am
DALAWANG beses nang inanunsiyo ng pulis nitong nakaraang limang taon na nalansag na ang hijacking gangs sa labas ng Manila international airport. Pero hindi pa pala. Naroon pa rin sila. At tatangayin nila lahat ng ari-arian niyo: kotse, bagahe, pera, credit cards, tseke, alahas, cell phones.
Kaya babala ito sa mga biyaherong lumalapag sa Manila. Ipaalam nyo rin sa mga kaibigang balikbayan ang modus operandi ng armadong sindikato.
Nitong nakaraang linggo umuwing pagod ang pamilya ng tatlo mula sa Amerika. Sinundo sila sa airport ng driver nila bandang hatinggabi sa malaking SUV nila. Sa Magallanes interchange sa Makati tungong bahay, bigla silang binangga ng maliit at pulang Toyota sedan. Dagliang bumaba ang tatlong armadong lalaki mula sa kotsenakadamit-sibilyan pero may tig-isang armalite. Sumigaw ang isa sa SUV driver na ibaba ang bintana. Nag-aatubili itong sumunod. Mabilis na hinila ng armado ang lock at binuksan ang pinto. Nailawan ang loob ng SUV. Sinigurado ng gang kung tama ang target sa pagbilang ng bagahe. Hinila ang pamilya pababa ng SUV at tinangay ito, kasama ang bagahe at passports. Pati lumang sunglasses, hindi pinatawad.
Sa Makati police kung saan sila nagtungo, pinakitaan ang pamilya ng mug shots ng mga kilalang hijacker. Ibig sabihin, nahuli na ito noon at naretratuhan. Isa sa tatlong armado ay dating operatiba ng PNP-Aviation Security Group. Kung paano ito nakapag-bail o nakawala, ewan ng pulis.
Inamin sa akin ng isang Makati investigator na malamang may kasabwat sa airport ang hijackers. Umii-spot ito ng mga pagod at hilong biyahero, inaalam kung anong mahahalagang bagahe ang dala at ang plaka ng sasakyan, tapos ise-cellphone ang detalyes sa nag-aabang na sindikato sa labas ng airport.
Hindi lang international arrivals ang binibiktima, kundi pati mga galing-probinsiya. At hindi lang sa Makati sila hinaharang; kung minsan sa gilid lang ng airport road sa pagitan ng Pasay at Parañaque.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest