EDITORYAL - H'wag kalimutan ang pagpulbos sa Sayyaf
May 30, 2004 | 12:00am
ANG isang hindi maganda sa pamahalaan o sa mga awtoridad ay nagiging masigasig lamang sa pagdurog sa mga kampon ng kasamaan kapag may nangyaring malalagim na krimen. Kapag lumipas na ang isang linggo, o matahimik na ang isyu, wala nang makita o marinig sa kanilang pagpupursigi na mahuli ang mga salarin. At kapag muling sumalakay ang mga masasamang loob saka na naman magiging agresibo ang pamahalaan at mga awtoridad. Kung kailan lang mainit saka sila nagpupumilit!
Isang magandang halimbawa ay ang patuloy na pagbabanta ng teroristang Abu Sayyaf. Hindi pa patay ang mga teroristang ito kung iyan ang naiisip ng taumbayan. Hindi rin sila nananahimik kundi gumagawa ng mga hakbangg para makapaghasik muli ng lagim. Naghihintay lang nang magandang pagkakataon ang mga teroristang ito at saka sasalakay mas malagim, mas madugo.
Nalilingat ang pamahalaan at may ibang pinagkakaabalahan ang mga Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police. Sinasamantala ang pagkatutok ng pamahalaan sa katatapos na election at pagbibilang ng mga boto. Ang mga miyembro ng AFP at police ay nakikipagbuno sa mga rallyists at protesters sa kalsada. Nakaantabay sa kampo ni President Arroyo at action king Fernando Poe Jr. na pawang nagbabantay sa pagbibilang ng Kongreso. May dalawang linggo nang ang election ang lagi nang usap-usapan sa bansa.
Ang pagkakalingat na ito ang hinihintay naman ng Abu Sayyaf. Mas natutuwa sila kung ganito ang senaryo para masorpresa ang taumbayan sa gagawin nilang pagsalakay. Ayon sa police intelligence report, nagsanib na ng puwersa ang Sayyaf at ang Jemaah Islamiyah. Ang bagong pangalan ng terrorists group ay Urban Death Squad Sabillah. Itinatag ito sa Zamboanga City noon pang Marso at pinamumunuan ni Khadaffy Janjalani. Napabalita noon pa na magsasagawa ng pambobomba ang mga terorista noong May 10 elections.
Buhay pa ang mga terorista at ngayoy nagpapalakas. Nakisanib pa sa isang "uhaw sa dugong" grupo na ang layunin ay pumatay ng kanilang kapwa. Ang Jemaah Islamiyah ang itinuturong responsable sa pambobomba sa LRT noong Dec. 20, 2000.
Maraming problema ang bansa at tila nalilimutan na ang pagtugis sa mga teroristang Abu Sayyaf na nagbigay nang katakut-takot na problema sa bansa. Nalugmok ang turismo sapagkat kinatakutan ang bansa ng mga dayuhan. Huwag kalimutan ang mga teroristang Sayyaf lalo pa at ngayoy nagsisimula na namang magpalakas ng kanilang puwersa at nakikisanib pa sa Jemaah Islamiyah.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am