'Shut up!' ni Suzette Pido
May 29, 2004 | 12:00am
ANG joint session ng Senate at House of Representa- tives noong Miyerkules bilang National Board of Canvassers ay ginimbal ng maikling sulat ni Suzette Pido kay Maguindanao Rep. Didagen Dilangalen. Nakasulat ang Shut up! Youre wasting our time and taxpayer money. Lalong tumaas ang boses ni Dilangalen at hiniling na palabasin si Pido.
Tiyak na marami sa mamamayan ang katulad ni Suzette Pido na suyang-suya na sa ginagawa ng mga mambabatas na nambubutas lamang ng silya at nilalaspag ang pera ng bayan. Wala nang inatupag ang mga ito kundi magsatsatan at magpatawag ng hearing na kunwari ay in aid of legislation". At ang matindi nito, karamihan sa kanila ay pamumulitika at pang-personal na interes lamang ang nais.
Kaya lang, hindi ako sang-ayon sa ginawa ni Suzette Pido. Naiintindihan ko ang kanyang damdamin subalit sana nga ay kinimkim na lamang niya ang sama ng loob.
Marahil ay natauhan din kahit na papaano ang mga senador at mga kongresista sa ginawang pagyanig sa kanila ni Suzette Pido at atupagin ang kanilang tungkulin bilang National Board of Canvassers.
Ipakita nila bilang mga kasapi sa NBC ang mabilis at malinis na bilangan at pagpoproklama ng mga mananalo sa pagka-President at vice-president. Ang mahalaga ay malaman na ang mga mamumuno sa bansa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended