^

PSN Opinyon

Pulitikang Pinoy

SAPOL - Jarius Bondoc -
ONLY in the Philippines, ika nga. Sa pulitikang-Pinoy lang may Senado na ang Majority Leader (Kiko Pangilinan) ay pamangkin sa asawa ng Minority Leader (Tito Sotto). At sila pa ang madalas magkaharap sa mga tagisang mayorya kontra minorya. Meron ding magpinsan sa Senado (Serge at John Osmeña), magbiyenan (Ramon Revilla at Robert Jaworski). at magkasama dati sa trabaho (Noli de Castro at Loren Legarda).

Kung mananalo sa huling halalan sina Bong Revilla, Lito Lapid at Jinggoy Estrada, tatlo silang dating artista, miski mawala na sina Sotto at Ramon Revilla. Magkakaroon din ng mag-ina, Jinggoy at Loi Ejercito. Kaya may nagsasabing mag-share na lang sana sila ng kuwarto, staff, budget at parking slot–para makatipid ang Senado. Lalo pa namang out-on-bail lang si Jinggoy sa kasong karumal-dumal na plunder.

Sa pulitikang-Pinoy din lang tila minamana ang pusisyon, tulad ni Pia Cayetano na anak ng yumaong Sen. Rene Cayetano. Nag-senador din ang mga ama nina Mar Roxas at Serge Osmeña.

Sa showbiz, sinasabing di-hihigit sa "six degrees of separation" ang bawat artista. Pero si Lito Lapid, four degrees of separation mula sa anak na Gov. Mark Lapid: si Lito, dating ka-live-in ni Melanie, kapatid ni Joey, dating ka-live-in ni Kris, na syota ngayon ni Mark.

Gan’un din sa House of Representatives. Si Rep. Ricky Sandoval (Navotas) ay anak ni Rep. Brown Sandoval (Pala-wan). Uupo rin ang mag-tiyuhing Mikey Arroyo (Pampanga) at Iggy Arroyo (Negros Oriental).

Sa Pilipinas din pami-pamilya kung kumandidato: magkapatid na Bongbong at Imee Marcos bilang governor at congresswoman ng Ilocos Norte; mag-amang Juan Ponce Enrile bilang senador at Jack bilang congressman ng Cagayan. Tumakbo sina Mel Mathay bilang mayor ng Quezon City, Chuck bilang congressman ng 2nd district, at Bu bilang konsehal sa 4th district. Tumakbo rin sina Rey Malonzo, ang asawa at anak bilang congressman, mayor at konsehal sa Caloocan. At ang mag-asawang Joey Marquez at Alma Moreno bilang congressman at mayor sa Parañaque. O, di ba, only in the Philippines!

ALMA MORENO

BILANG

BONG REVILLA

BROWN SANDOVAL

HOUSE OF REPRESENTATIVES

IGGY ARROYO

ILOCOS NORTE

LITO LAPID

RAMON REVILLA

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with