Isang milyong pisong CR
May 27, 2004 | 12:00am
GAYA ng pangako natin tatantanan natin ang pulitika dahil tapos na ang eleksyon pero hindi ito mangangahulugan na titigil tayo sa pagbatikos o pag-uusisa sa mga katiwalian sa gobyerno.
Dahil dito lubos tayong nagtataka sa plano ng ilang mga opisyal ng Ninoy Aquino International Airport na magrenovate daw ng 50 comfort rooms sa halaga ng P45 million pesos.
Inuulit ko, P45 million para pagandahan at ayusin ang 50 comfort rooms. Nangangahulugan na P900,000 kada comfort rooms. Grabe ito at mahirap intindihin ng ordinaryong mamamayang katulad natin.
Nang makapanayam natin si NAIA General Manager Ed Manda sa DZEC ay sinabi niyang hindi naman daw isang CR ito na nagkakahalaga ng P900,000 kung hindi 50 na may average na apat hanggang limang cubicle na nagtataglay ng toilet bowls at urinals.
Ganoon pa man, kung kukuwentahin natin sa apat na cubicle o urinal kada cr ang halaga pa rin nito ay aabot sa P225,000. Kung gawin naman nating lima ang gastos pa rin kada isa ay P180,000.
Iginiit din niya na ang mga gagamitin sa renovation ay tunay na world class na gamit dahil ito ay isang international airport pero mahirap arukin ng karamihan. Sa mga naghihikahos, ang halagang P900,000 ay sapat na para ipagpagawa ng isang munting tahanan ng ating mga hirap na mamamayan.
Tapos sasabihin nilang comfort rooms lang ito. Ano kaya ang mga gripo na gagamitin nila rito, siguro ginto, o baka naman ang mga comfort rooms na ito ay tatayo o mauupo ka na lang at kusang ibababa ang zipper mo kung lalaki at ibababa ang palda o pantalon mo kung babae.
Baka no touch na talaga at tataas mo na lang ang kamay mong para kang sumusuko. Ganoon ba ito katindi?
Sagot nga rin pala ni Manda na ka-miyembro nga pala ni Mike Arroyo sa Rotary Club ay transparent daw ang lahat, pati raw ang proseso ng bidding at handa raw niyang ipakita ang lahat ng papeles at dokumento ukol dito.
GM Manda, initially maaari bang mabigyan nyo kami ng program of work, bill of quantities at cost of estimates na naturang proyekto ninyo. After all, kayo ang nangako na wala kayong itinatago at walang anomalya sa proyektong ito.
Kailan nyo kaya maaaring ibigay ang mga dokumentong aming hinihingi at tinitiyak ho namin na mangungulit kami. Katunayan nga, marami pa kaming ibang hihingiing mga papeles, initial lang po ang tatlong yon na alam nating importante sa lahat ng mga construction work.
Hindi rin namin muna kayo tatanungin ukol sa upgrading ng runway 13/31 (para sa domestic at general aviation flights ito) na nagkakahalaga ng P302,570,000 million, ang repair and resurfacing of taxiway 06/24 (para sa international flights) mula E4 to E5 na may length na 980 meters at width na 25 meters na magkakahalaga naman ng P58,692,792 million at iba pang priority projects nyo sa taong ito.
Medyo malalaki at nakakagimbal ang halaga. Sana lang walang anomalya dahil nangangako tayo na magbabantay at hindi mag-aatubiling tuligsain ang mga anomalya sa alinmang ahensiya ng gobyerno.
Airport din lang ang pinag-uusapan natin, totoo kaya na ang isang mataas na opisyal ng NAIA na kasabay ni Ginoong Manda pumasok sa ating premier airport ay nanghingi ng P1.5 million sa isang security agency na pinangakuan niyang bibigyan ng kontrata para sa 200 security guards.
Noong September, 2003 pa binigay kay Mr. Y ang naturang halaga pero wala pa rin ang naturang kontrata at ayon sa mga taga airport ay malabo nang mai-award sa naturang security agency ang kontrata dahil naipangako na ito sa isang mas malaki ang inalok na halagang for the boys o baka naman for the boy lang.
Problema nitong si Mr. Y, hindi niya maitatanggi dahil may hawak na kasulatan ang naturang security agency na nais na lamang ay mabalik sa kanila ang pera.
Kaso, nagastos na ni Mr. Y na ang akala ay Bumbay ang may-ari ng security agency. Bakit kanyo? Eh paano kesa ibalik ng buo ang halagang nakuha niya, dinadaan sa installment, kaso nga lang walang interest kaya. Kawawang Bumbay este security agency.
Kasi talagang maraming kamag-anak ang parang parasites po at pag di napagbigyan masama pa ang loob. Kaya dapat limitahan din ang pagtulong na di lalabas na madamot -09193629463;
Tma n kelngan n bwat isa na magsumikap pra s knabuksan nila ang ng pamlya nila. D umasa s kptid o kmaganak n may mgandang buhay. Dhil llo lng nagiging tmad o inutil. Syang at di nkalusot c idol lacson, sna na2ruan nya ang mga inutil n magbnat ng buto, magtrbho ng tapat. -09178952740;
Dpat mging ugali ang magsikap at 2lungan ang ating mga sarili para s ikauunlad ng ating mga buhay at ng ating bansa. Slamat po sa pagtalakay sa ugaling pinoy. - 09196158550.
Para sa anumang reaksyon, sumulat lang sa [email protected] o kayay mag text sa 09272654341. Mapapakinggan nyo rin po ang inyong lingkod sa DZEC 1062 mula 4:30 hanggang 6:00 ng hapon, Lunes hanggang Huwebes.
Dahil dito lubos tayong nagtataka sa plano ng ilang mga opisyal ng Ninoy Aquino International Airport na magrenovate daw ng 50 comfort rooms sa halaga ng P45 million pesos.
Inuulit ko, P45 million para pagandahan at ayusin ang 50 comfort rooms. Nangangahulugan na P900,000 kada comfort rooms. Grabe ito at mahirap intindihin ng ordinaryong mamamayang katulad natin.
Nang makapanayam natin si NAIA General Manager Ed Manda sa DZEC ay sinabi niyang hindi naman daw isang CR ito na nagkakahalaga ng P900,000 kung hindi 50 na may average na apat hanggang limang cubicle na nagtataglay ng toilet bowls at urinals.
Ganoon pa man, kung kukuwentahin natin sa apat na cubicle o urinal kada cr ang halaga pa rin nito ay aabot sa P225,000. Kung gawin naman nating lima ang gastos pa rin kada isa ay P180,000.
Iginiit din niya na ang mga gagamitin sa renovation ay tunay na world class na gamit dahil ito ay isang international airport pero mahirap arukin ng karamihan. Sa mga naghihikahos, ang halagang P900,000 ay sapat na para ipagpagawa ng isang munting tahanan ng ating mga hirap na mamamayan.
Tapos sasabihin nilang comfort rooms lang ito. Ano kaya ang mga gripo na gagamitin nila rito, siguro ginto, o baka naman ang mga comfort rooms na ito ay tatayo o mauupo ka na lang at kusang ibababa ang zipper mo kung lalaki at ibababa ang palda o pantalon mo kung babae.
Baka no touch na talaga at tataas mo na lang ang kamay mong para kang sumusuko. Ganoon ba ito katindi?
Sagot nga rin pala ni Manda na ka-miyembro nga pala ni Mike Arroyo sa Rotary Club ay transparent daw ang lahat, pati raw ang proseso ng bidding at handa raw niyang ipakita ang lahat ng papeles at dokumento ukol dito.
GM Manda, initially maaari bang mabigyan nyo kami ng program of work, bill of quantities at cost of estimates na naturang proyekto ninyo. After all, kayo ang nangako na wala kayong itinatago at walang anomalya sa proyektong ito.
Kailan nyo kaya maaaring ibigay ang mga dokumentong aming hinihingi at tinitiyak ho namin na mangungulit kami. Katunayan nga, marami pa kaming ibang hihingiing mga papeles, initial lang po ang tatlong yon na alam nating importante sa lahat ng mga construction work.
Hindi rin namin muna kayo tatanungin ukol sa upgrading ng runway 13/31 (para sa domestic at general aviation flights ito) na nagkakahalaga ng P302,570,000 million, ang repair and resurfacing of taxiway 06/24 (para sa international flights) mula E4 to E5 na may length na 980 meters at width na 25 meters na magkakahalaga naman ng P58,692,792 million at iba pang priority projects nyo sa taong ito.
Medyo malalaki at nakakagimbal ang halaga. Sana lang walang anomalya dahil nangangako tayo na magbabantay at hindi mag-aatubiling tuligsain ang mga anomalya sa alinmang ahensiya ng gobyerno.
Noong September, 2003 pa binigay kay Mr. Y ang naturang halaga pero wala pa rin ang naturang kontrata at ayon sa mga taga airport ay malabo nang mai-award sa naturang security agency ang kontrata dahil naipangako na ito sa isang mas malaki ang inalok na halagang for the boys o baka naman for the boy lang.
Problema nitong si Mr. Y, hindi niya maitatanggi dahil may hawak na kasulatan ang naturang security agency na nais na lamang ay mabalik sa kanila ang pera.
Kaso, nagastos na ni Mr. Y na ang akala ay Bumbay ang may-ari ng security agency. Bakit kanyo? Eh paano kesa ibalik ng buo ang halagang nakuha niya, dinadaan sa installment, kaso nga lang walang interest kaya. Kawawang Bumbay este security agency.
Tma n kelngan n bwat isa na magsumikap pra s knabuksan nila ang ng pamlya nila. D umasa s kptid o kmaganak n may mgandang buhay. Dhil llo lng nagiging tmad o inutil. Syang at di nkalusot c idol lacson, sna na2ruan nya ang mga inutil n magbnat ng buto, magtrbho ng tapat. -09178952740;
Dpat mging ugali ang magsikap at 2lungan ang ating mga sarili para s ikauunlad ng ating mga buhay at ng ating bansa. Slamat po sa pagtalakay sa ugaling pinoy. - 09196158550.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended