^

PSN Opinyon

NAIA Terminal 3, dalawang taon pa !

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
MALABO pang buksan ang NAIA Terminal 3 sa loob ng Villamor Air Base kasi may dalawang kaso pa pala ito sa international court. Sa US of A at Singapore court ang usapin tungkol sa Terminal 3. Mabigat ang bakbakan kaya hindi biro.

Napakalaking tulong sa mga paalis at parating na pasahero ang Terminal 3 kung sakaling mabubuksan ito sa lalong madaling panahon. Napakaganda kasi ng airport at napakabango kumpara sa luma. Gusto sana ni MIAA General Manager Ed Manda, na mabuksan ang Terminal 3 pero ang kaso ay nasa international arbitration pa pala. Kung mananalo ang gobyerno sa bakbakan, iyan ang tutunugan ng mga kuwago ng ORA MISMO.

Hi-tech ang Terminal 3, saksakan ng laki, hindi biro ang mga facilities na ikinabit sa loob ng modernong paliparan. May malaking groceries pa yata ang loob na puwedeng mamili ang mga Noyping gustong sumokpa sa airport. Hindi rin biro ang mga restaurant na ilalagay sa loob. Sandamakmak ito.

Kaya naman inaasahan ng mga kuwago ng ORA MISMO na kikita nang malaki ang MIAA management oras na mag-operate ang Terminal 3. Salamat sa utak ni Manda, pang-gobyerno talaga ang iniisip nito. Tiyak mas matindi ang seguridad na ipatutupad sa Terminal 3 sa oras na mabuksan. Sigurado ang mga kuwago ng ORA MISMO na hindi makakalusot ang anumang uri ng teroristang gustong maghasik ng kaguluhan sa Pinas.

Lalo’t andiyan ang grupo ni PNP-ASG bossing Andy Caro III at retired General Angel Atutubo, Assistant General Manager for Security and Emergency Services. Patay din ang mga operasyon ng mga drug lords, human smuggling syndicate, echetera, dahil hindi puwedeng biruin ang monitoring systems na ipupuwesto sa paliparan. Siguradong masisiyahan ang lahat ng tao sa loob ng Terminal 3, bukod sa bago, napakalamig ng airport at napakabango.

"Bakit ba may kaso ang Terminal 3 sa ibang bansa?" tanong ng kuwagong lespung malatuba.

"Nagsampa kasi ang Fraport at PIATCO sa international arbitration court versus government," sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Kung ganoon, matagal pa itong mabubuksan?" tanong ng kuwagong Kotong cop.

"Siyempre, may kaso pa!" sagot ng kuwagong maninisid ng tahong.

"Ano sa palagay mo, mananalo kaya tayo sa kaso?"

"Sa ngayon hindi ako mapalagay!"

ANDY CARO

ANO

ASSISTANT GENERAL MANAGER

GENERAL ANGEL ATUTUBO

GENERAL MANAGER ED MANDA

SECURITY AND EMERGENCY SERVICES

TERMINAL

VILLAMOR AIR BASE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with