^

PSN Opinyon

Pabahay sa mga sundalo

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
SA programang pabahay, ang karaingan at pangangailangan ng bawat sektor ng ating lipunan ay binibigyan ng pansin at prayoridad ng pamahalaang Macapagal-Arroyo. Isa sa mga pangako niya ang pagtugon sa mga pangangailangang pabahay ng ating mga sundalo. Kasama na rito ang pagbibigay ng 100 libong ektaryang lupang ‘‘alienable and disposable’’ bawat taon para sa mga wala pang lupa upang mabigyan lahat ng oportunidad na magkaroon ng sariling lupa.

Bilang tugon dito, nilagdaan ni President Arroyo ang Special Patent No. 3660 na sumasakop sa 33.149 square meters na lupa batay sa Presidential Proclamation No. 520 na itinalaga sa AFP Off Base Housing.

Bilang pagsaludo sa ating mga sundalong Pilipino, lumagda sa kasunduan ang Pag-IBIG kamakailan lamang upang isakatuparan ang pagpapatayo ng pabahay para sa ating mga Pilipinong sundalo.
* * *
Narito ang isang sulat na aking natanggap at humihingi ng payo sa lupang hindi kanila.

Dear Secretary Mike Defensor, Maligayang pagbati po sa inyong magagandang programa sa pabahay. Mabuhay po kayo!

Sumulat po ako sa inyo upang humingi ng inyong tulong sa aming suliranin dito sa tinitirhan naming lupang hindi amin. Kinausap po namin ang may-ari kung maaari po niyang ibenta sa amin ang nasabing lupa. Pumayag naman po ang may-ari dahil matagal na kaming nakatira dito at wala naman siyang naging problema sa amin. Lahat naman po kaming nakatira dito ay may trabaho at miyembro po ng Pag-IBIG.

Narinig ko po ang GLAD or Group Land Acquisition Program ng Pag-IBIG. Ano po ba ito at maari po ba kaming makapag-avail nito?

(Abangan ang sagot ni Sec. Defensor)

ABANGAN

ANO

BILANG

DEAR SECRETARY MIKE DEFENSOR

GROUP LAND ACQUISITION PROGRAM

OFF BASE HOUSING

PAG

PRESIDENT ARROYO

PRESIDENTIAL PROCLAMATION NO

SPECIAL PATENT NO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with