^

PSN Opinyon

Jueteng tuloy,everybody happy !

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
DALAWA ang grupo ng mga reporters na kumokober sa Ninoy Aquino International Airport ang lehitimong NAIA Press Corps Inc., at ang Airport Press Club. Para sa kaalaman ng lahat nating mambabasa si Conrado Ching, dating reporter ng People’s Tonight ay hindi miyembro ng NAIA Press Corps. Inc.

Kambiyo isyu, hindi pa nasasaling ang jueteng operation sa buong Region 5. Tapos na ang eleksiyon pero namamayagpag pa rin ang dayaan bolahan sa Bicol. Hanggang Hunyo 30 pa daw ang jueteng sa Kabikulan dahil ang intelihensiya ay hanggang sa nasabing araw.

Binabati si Fernando Gonzales at asawa nito, ang bagong gobernador ng Albay at mayor ng Ligao City, keep up the good work!

Kaya sa palagay ng mga kuwago ng ORA MISMO, matitigil na ang kalokohan sa nasabing lugar. Marami ring bagong mga pulitiko ang nanalo kaya mahihirapan silang suhulan ang mga ito dahil ang ilan sa gambling lords ay nakalaban nila sa pulitika.

Hindi kayang pigilan ang dayaan bolahan sa Bicol malaki kasi ang investment ng mga gambling lords sa mga bugok na pulitiko at maging sa mga rakpadudels. May P5 million ang kabuuang kubransa araw-araw sa buong Region 5, PNP bossing Jun Ebdane, Sir! Minomonitor ng mga kuwago ng ORA MISMO ang kaganapan ng dayaan bolahan sa Bicol ang grupo kasi nina Art Kabigtak, Tony Ongoy, ang drug lord sa Region 3 ay sasaltikin natin sa susunod na kabanata.

‘‘Matindi pala ang illegal diyan sa Region 5,’’ anang kuwagong haliparot.

‘‘Walang tigil ang dayaan bolahan dito,’’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Matitigil kaya ang dayaan bolahan diyan?’’

‘‘Kumporme sa mga official ng gobyerno.’’

‘‘Bakit naman?’’ tanong ng kuwagong Kotong cop.

‘‘Eh, kung tumanggap din sila?’’

‘‘Diyan wala tayong magagawa, kamote.’’

AIRPORT PRESS CLUB

ART KABIGTAK

BICOL

CONRADO CHING

FERNANDO GONZALES

HANGGANG HUNYO

JUN EBDANE

LIGAO CITY

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with