Sagot sa reaksiyon ni G. James Delgado
May 25, 2004 | 12:00am
NAIS kong bigyan ng halaga ang naging reaksyon ni G. James Delgado na ipinadala niya sa aming Dear Editor section na may kinalaman sa isinulat ko dito sa column na ito noong Mayo 18, 2004 hinggil kay Bro. Eddie Villanueva. Salamat naman at mayroon akong pagkakataon ngayon na masagot ang mga reaksyon na katulad ng kay G. Delgado sapagkat malimit na napakaraming mahahalagang paksa ang mas dapat kong bigyan ng pansin upang talakayin sa limitadong espasyo ng aking column.
Magpahanggang ngayon ay isa pa rin akong ordinar-yong tao na nakikihalobilo sa lahat ng uri ng tao kung kayat saklaw rin ako ng takbo ng kanilang pag-iisip at damdam ko ang tibok ng kanilang puso. Kaya, G. Delgado, hindi ako masasabing perpektong tao kahit na ilang dekada na akong mamamahayag at malamang na higit na malaki ang agwat ng aking edad kaysa sa yo. G. Delgado, alam kong hindi naman kaila sayo na talaga namang walang perpektong tao, di ba?
Hindi naman talagang literal ang gusto kong sabihin ng kanto boy at nagmura at nagbanta si Bro. Eddie. Hindi ko sinabi na nagtungayaw at nagbukang-bibig ng masasamang salita si Bro. Eddie. Siguro nga ay hindi ako sanay at nanibago lang ako kay Bro. Eddie na makita ko sa TV at sa ibat ibang pagkakataon na sa pagkakaunawa ko ay nanggagalaiti sa galit sapagkat pinagdidiinan niyang nadadaya siya sa bilangan at parang nagbabanta na sinabi niya na baka hindi niya mapipigilan kung mag-aklas ang kanyang mga tagasunod at magsagawa ng bagong People Power. Pasensiya na kung iba sa yo o talagang mali ang pagkakaintindi ko sa mga nasabing mga pahayag ni Bro. Eddie.
Nais kong ipahiwatig na hindi pa rin nagbabago ang paghanga ko kay Bro. Eddie Villanueva. Hindi ko personal na kakilala at hindi ako miyembro ng komunidad ni Bro. Eddie subalit hanga pa rin ako sa kanyang paninindigan at paniniwala. Naniniwala ako na malaki ang nagagawa niya sa ikabubuti ng ating bayan sa pamamagitan ng paghahasik ng salita ng Diyos at sa pagtulong sa mga naliligaw ng landas. Malay natin, baka hindi sa pamamagitan ng maruming pulitika tunay na makakatulong si Bro. Eddie sa ating bayan kundi sa isang misyon na inilalaan sa kanya ng ating Maykapal.
G. Delgado, marahil ay magpapatuloy pa rin akong magiging sala sa init at sala sa lamig kung gusto kong maging tunay na mamamahayag. Bilang komentarista o taga-bigay ng opinyon, hindi maaaring pare-pareho na lamang ang pananaw kahit na may nagaganap na pagbabago. May pagkakataon na mag-iiba ka ng pagpuna depende sa sitwasyon o sa pagbabago ng pangyayari. May panahon na pro ka o con ka kahit na salungat sa opinyon ng iba. Peace be with you, G. James Delgado.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest