^

PSN Opinyon

Para sa 'yo 'to Administrator Arthur Yap

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
NAKATANIM na sa isipan ng marami sa atin na kapag ang bigas ay mula sa National Food Authority (NFA) ito ‘yong mga may amoy at pangit na uring bigas mula sa India at Thailand.

Bahala na ang pamunuan ng NFA magpaliwanag kung anong "magic" ang kanilang ginagawa. Kalimitan ito yung mga bigas na nabibili sa mga palengke na inirereklamo ng mga nagbebentang retailers sa amin.

Kung ano ‘yong amoy ng bigas mula sa Thailand at India, yun din ang amoy na umaalingasaw sa loob ng NFA ni Administrator Arthur Yap.

Patuloy na nagaganap araw-araw ang "pagnanakaw" ng mga sindikato sa rice diversion sa loob ng mga NFA warehouses ng CAMANAVA, Manila at South District.

Tuluy-tuloy ang sabwatan ng mga taga-NFA at ng mga "middleman," labas pasok sa mga NFA warehouses. Tuloy-tuloy din naman ang pagpipista ng mga "undercover" ng BITAG. Tsk..tsk..tsk.

Kamakailan lang nagpa-presscon ang presidente ng Confederation of Grains Retailers Association of the Philippines Inc. (GRECON) si Danilo "Boy’’ Garcia. Ewan bakit hindi lumabas sa media ‘yong kanyang mga pinagsasabi.

Tumawag pa siya sa aking cellphone para sabihin may "exclusive story" siyang ibibigay sa akin ‘nung araw ding ‘yon. Akala siguro ni Garcia ipinanganak lang ako kahapon. Nakasanayan nito ‘yong media na "patay gutom" na kanilang pinaglalaruan.

Ayon kay Garcia, hindi daw patas ang distribution ng mga "newly arrived rice" mula sa Vietnam ng NFA. Ito ngayon yun mga bigas na pinag-aagawan ng mga sindikatong retailers na miyembro ng GRECON ni Gracia.

Umatungal lang daw itong si Garcia dahil napunta lahat kina Pia at Deo ‘yong dalawang kamada na sumatotal 40,000 sacks.

P30.00 daw bawat sako ‘yong patong nitong manager ng Southern District NFA warehouse sa mga "newly arrived rice". Tsk.. tsk.. tsk.

Administrator Arthur Yap, simula ngayon gawin mong salamin ang kolum kong ito. Sa ganitong paraan hindi ka nalalagyan na ipot sa iyong bumbunan. Bantayan mo si Roberto Musngi kung hindi mo kaya, ipagpaubaya mo sa BITAG .

Simula ngayon, ugaliin mong magbasa, makinig at manood sa mga ginagawa ko sa radyo, TV at sa diyaryong ito.

Kung napakalma n’yo si Garcia sa kanyang pagpupuputak, puwes saludo ako sa iyo. Pag-isipan niyo nang maigi ang problema. Hindi sa epekto ang solusyon, sa DAHILAN! Abangan..
* * *
Bitag hotline numbers, para sa mga naabuso, naaapi, at biktima ng panloloko o anumang uring katiwa- lian, i-text (0918) 9346417, (0919) 5684470, o tumawag sa mga numerong ito 932-8919 / 932-5310. Manood tuwing Sabado, 7:00-8:00 p.m. IBC-13, "BITAG"

vuukle comment

ADMINISTRATOR ARTHUR YAP

CONFEDERATION OF GRAINS RETAILERS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES INC

GARCIA

NATIONAL FOOD AUTHORITY

NFA

ROBERTO MUSNGI

SOUTH DISTRICT

SOUTHERN DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with