Sa totoo lang, Marso pay tumataas na ang presyo sa world market. Nung buwan na yon nagbawas ang OPEC (Organization of Petroleum Exporting Countries) ng produksiyon. Kasi kapag mababa ang supply, tataas ang presyo at lalaki ang kita nila. Nais ng Saudi Arabia, pinaka-malaking oil producer, na magdagdag muli ng produksiyon. Tataas din naman daw ang kita sa dami ng benta, lalo nat lumalakas ang konsumo ng America, Europe at China.
Pero hindi ganun kadali magdagdag ng produksiyon. Pumapalag ang Nigeria at Venezuela dahil may rebolusyon sa kanila. Mas malala pa ang sitwasyon sa Iraq, pangalawa sa Saudi sa pinaka-malaking oil reserve. Inatake ang Basra sa may Persian Gulf kung saan naroon ang malalawak na oil fields sa timog. Ginugulo na rin ang maliliit na oil fields sa hilaga.
Kaya sana ng Saudi Arabia na magtaas ng sariling produksiyon nang 2 milyong barrels per day. Pero hindi nito maharap dahil inaatake rin ito ng al-Qaeda. Abala ang Saudi sa seguridad. Kaya gusto nito na lahat ng OPEC members ang magdagdag-produksiyon para hindi manghina ang mga industriya sa America, Europe at China. Maraming negosyong Saudi sa mga lugar na yon.
Inawat ni Arroyo ang pagtaas ng presyo ng diesel, unleaded at LPG nung Abril. Pero hindi na kaya ng oil firms i-absorb ang luging P2.60 per liter sa dating presyo. Ang Dubai crude, batayan ng refiners, ay pumalo sa $36.22 per barrel nung May 17, pinaka-mataas sa 13 taon. Pumalo ang MOPS (Means of Platts-Singapore), batayan ng oil importers, nang $50.65 per barrel sa unleaded nung May 17, at $47.20 sa diesel nung April 14.
Ipit sa lahat ang mga tsuper at kunduktor ng jeepney at bus. Mabuti na lang gumawa ng paraan ang Malacañang para sa kanila.