^

PSN Opinyon

Terorismo gumugulo sa presyo ng langis

- Jarius Bondoc -
KAY daling iparatang na tinaas ang presyo ng langis bilang gantimpala ni President Arroyo sa pagsuporta ng oil companies sa eleksiyon niya. Pero katuwiran ‘yon ng tamad na sumubaybay sa mga tunay na kaganapan.

Sa totoo lang, Marso pa’y tumataas na ang presyo sa world market. Nu’ng buwan na ‘yon nagbawas ang OPEC (Organization of Petroleum Exporting Countries) ng produksiyon. Kasi kapag mababa ang supply, tataas ang presyo at lalaki ang kita nila. Nais ng Saudi Arabia, pinaka-malaking oil producer, na magdagdag muli ng produksiyon. Tataas din naman daw ang kita sa dami ng benta, lalo na’t lumalakas ang konsumo ng America, Europe at China.

Pero hindi gan’un kadali magdagdag ng produksiyon. Pumapalag ang Nigeria at Venezuela dahil may rebolusyon sa kanila. Mas malala pa ang sitwasyon sa Iraq, pangalawa sa Saudi sa pinaka-malaking oil reserve. Inatake ang Basra sa may Persian Gulf kung saan naroon ang malalawak na oil fields sa timog. Ginugulo na rin ang maliliit na oil fields sa hilaga.

Kaya sana ng Saudi Arabia na magtaas ng sariling produksiyon nang 2 milyong barrels per day. Pero hindi nito maharap dahil inaatake rin ito ng al-Qaeda. Abala ang Saudi sa seguridad. Kaya gusto nito na lahat ng OPEC members ang magdagdag-produksiyon para hindi manghina ang mga industriya sa America, Europe at China. Maraming negosyong Saudi sa mga lugar na ‘yon.

Inawat ni Arroyo ang pagtaas ng presyo ng diesel, unleaded at LPG nu’ng Abril. Pero hindi na kaya ng oil firms i-absorb ang luging P2.60 per liter sa dating presyo. Ang Dubai crude, batayan ng refiners, ay pumalo sa $36.22 per barrel nu’ng May 17, pinaka-mataas sa 13 taon. Pumalo ang MOPS (Means of Platts-Singapore), batayan ng oil importers, nang $50.65 per barrel sa unleaded nu’ng May 17, at $47.20 sa diesel nu’ng April 14.

Ipit sa lahat ang mga tsuper at kunduktor ng jeepney at bus. Mabuti na lang gumawa ng paraan ang Malacañang para sa kanila.

ABALA

ANG DUBAI

KAYA

MEANS OF PLATTS-SINGAPORE

OIL

ORGANIZATION OF PETROLEUM EXPORTING COUNTRIES

PERO

PERSIAN GULF

PRESIDENT ARROYO

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with