P150-M demanda vs MERALCO
May 24, 2004 | 12:00am
TINGIN koy panggising ito sa MERALCO para tiyakin na ang mga pasilidad nilay well-maintained at hindi magbubunga ng perhuwisyo sa taumbayan.
Nung isang linggo, isang hotel ang natupok sa Quiapo na nagbunga ng pagkataranta ng mga tenants doon. Buti na lang at walang casualties. Pero ang sinisisi sa pangyayari ay ang MERALCO. Dahil daw sa "kapabayaan" nito, isang transformer sa di kalayuan ang sumabog na dahilan ng pagkatupok ng naturang gusali.
Ayon sa pamunuan ng City State Hotel Group, hihingi sila ng P150 milyong danyos sa MERALCO. Isang kaso ang inihahanda ng naturang kompanya at sa ngayoy hinihintay na lang ang kabuuang report ng Manila Fire Department. Sinikap kontakin ni Mr. Benjie Ramos, CEO ng City State ang Meralco para mabatid kung ano ang balak gawin ng naturang kompanya sa insidente pero nabigo siya. Ergo, nagpasya ang pangasiwaan ng City State na maghabla na lang. Ito talaga ang tamang hakbang para matigil na ang paulit-ulit na insidenteng ganito.
Magugunita na nung isang taon, isang transformer din ng Meralco ang sumabog sa isang lugar sa Caloocan na ma-lapit sa eskuwelahan. Ilang bata ang tinamaan ng pagsabog at namatay. Hindi na dapat maulit ang ganitong insidente.
Sa pagsisiyasat, lumilitaw na noong Mayo 14, dakong 3:00 ng hapon, ang transformer sa tapat ng City State Hotel ay sumabog at ang apoy na dulot nitoy mabilis na kumalat at tumupok sa hotel na nabanggit.
At bakit sasabog ang transformer na ito kung walang kapabayaang nangyari porke ang naturang transformer ay kakakabit lamang noong Mayo 13 o isang araw nang maganap ang insidente? Ibig sabihin, kung hindi man bobo yung nagkabit, malamang mahinang klase ang inilagay na transformer kaya sumabog agad. Hindi maaaring sabihing itoy isang uri ng aksidente.
Bilang isang public utility company, dapat umaksyon ang MERALCO para mabawasan, kundi man lubusang maiwasan ang ganitong mga insidente na nagsasapanganib sa buhay ng tao.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest