^

PSN Opinyon

Burungoy tulog sa Sikatuna

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
BINABATI ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Jenny Takeda ng Happy 36th birthday. Si Jenny ay isa sa mga pamilya ng mga kuwago ng ORA MISMO.
* * *
Nanggagalaiti sa galit ang isa sa mga kuwago ng ORA MISMO, diyan sa may Sikatuna Village kasi nabira at ninakaw ng mga adik ang kanyang dalawang side mirror habang nakaparada sa tapat ng kanyang haybol.

Hindi lang miminsan nangyari ito sa nasabing lugar madalas ang nakawan dito pero pirming huli ang aksyon ng mga burungoy.

Ika nga, pirming tulog sa pansitan.

Tulog ang Chief Kuwago ng tawagan ng kanyang alipores dakong alas-5:45 ng madaling-araw para ibalita ang nangyari sa kanyang pick-up.

Noong nakaraang buwan, ninakaw ang asong Labrador ng isa sa mga kuwago ng ORA MISMO, habang nasa loob ito ng garahe. Sabi nga, dognapping!

Wala ring burungoy na tumulong sa pobreng alindahaw ng magreklamo ito sa kanilang tanggapan. Hindi lang side mirrors ng mga sasakyan, asong ninanakaw kundi maging metro ng tubig ay inuupakan din ng mga gago. Nasaan ang mga burungoy–tulong sa Sikatuna? Madaling makita ang mga burungoy–tulog, sa umaga ay nagsisilbing taga-kumpas ang ilan sa kanila dahil nagsisilbing barker sila ng mga colorum vehicles. Ang iba sa kanila ay nagpapalaki ng yagba sa kanilang mga opisina naghihintay daw ng mga taong magrereklamo. Para tulugan!

"Bakit ba matindi ang nakawan diyan sa may Sikatuna?’’ tanong ng kuwagong manikurista.

‘‘Maraming adik kasing naglipana,’’ sagot ng kuwagong urot.

"Hindi ba malapit iyan sa Karingal?’’ anang kuwagong Kotong cop.

‘‘Yes!’’

‘‘Ano ang ginagawa ng mga rakpadudels at parang napapabayaan nila ang mga biktima?’’ tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Katulad din sila ng mga burungoy – tulog na parating tulog.’’

‘‘Ok pala sila, kamote.’’

ANO

BAKIT

CHIEF KUWAGO

CRAME

JENNY TAKEDA

SI JENNY

SIKATUNA

SIKATUNA VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with