Dayaan,ginagamit na dahilan ng mga talunan
May 18, 2004 | 12:00am
TALAGANG lubhang nakababahala ang mga akusasyon ng mga kalaban ni President Gloria Macapagal-Arroyo na matindi na malawakan ang ginawang pandaraya ng administrasyon sa ibat ibang lugar ng bansa. Diumano nangangalap sila ng mga ebidensiya na magpapatunay na mayroong mga ayusan ng mga resulta ng botohan na pinamumunuan ng mga kapanalig ni GMA.
Ang nakagugulat ay ang mga pahayag na galing kay Bro Eddie Villanueva na hindi aakalaing nanggagaling sa isang makatao at maka-Diyos na halos araw-araw ay kariringgan sa telebisyon ng kanyang pangaral tungkol sa pag-ibig ng Diyos at pagpapatawad sa mga kasalanan. Kung mapapakinggan ngayon ang pastor, parang isang kanto boy na nagmumura at nagbabanta ng hindi mabuti sa kanyang kapwa. Ang pulitika nga naman. Sa isang iglap lamang ay pinagbabago nito ang karakter at prinsipyo ng isang tao.
Grabe ang mga patutsada at mga akusasyon ng pandaraya laban sa gobyerno at sa Comelec. Sa halip na himukin nina Fernando Poe, Jr., Eddie Villanueva at Raul Roco ang kanilang mga tagasuporta na hintayin na lamang ang tunay na kinalabasan ng eleksyon, lalo pang inuudyukan ng mga ito ang kanilang mga tauhan na mag-alsa at magbanta ng pag-aaklas kapag hindi naging pabor para sa kanila ang resulta ng bilangan.
Mabuti pa nga si Ping Lacson na tinaguriang may kamay na bakal noong nangangampanya pa na nanawagang magpakahinahon at iwasan na ang siraan. Hinimok niya ang taumbayan na tanggapin kung anuman ang magiging kalalabasan ng eleksiyon at daanin sa tamang legal na proseso ang pagpoprotesta kapag may nakalap na mga ebidensiya ng mga pandaraya. Saludo ako kay Lacson sa pahayag niyang ito.
Nagtataka lamang ako kung papaanong magkakaroon ng malawakang dayaan samantalang may kanya-kanyang mga bantay ang mga kandidato maliban sa bawat isa sa kanila ay binibigyan ng certificate ng canvassing at election returns. Hindi maaaring maging massive. Kung mayroon man, marahil ito ay mangilan-ngilan lamang na hindi rin dapat na makalampas sa kani-kanilang mga bantay na nakatalaga sa lahat ng pinagdadaan ng balota mula sa botohan hanggang sa bilangan. Sabi nga ni Lacson, kasalanan mo na kapag nadaya ka. O baka naman, palusot na lamang ang nadadaya sila sapagkat talaga namang talo sila. Malamang nga!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest