^

PSN Opinyon

Ano kaya ang ginagalugad nila ?

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
BINATIKOS ng grupo nina Konsehal Isko Moreno at Atong Asilo ang pananatili ng grupo ni PNP-SOG bossing Ernesto Ibay at Liberty Toledo, City treasurer sa loob ng canvassing area ng Ninoy Aquino Stadium.

Wala raw silang karapatang umistambay dito kaya kinakalabit nila ang Comelec.

Sabi ni Isko sa mga kuwago ng ORA MISMO, dapat nasa 50 metro ang distansiya ng mga pulis kagaya ni Ibay sa canvassing area.

Ika nga, hindi sila dapat nakadikit dito.

Ang mga itinalagang tauhan lang ng Philippine Marines ang dapat malapit sa canvassing area ng stadium para magmintini ng peace and order sa mga urot.

Noong Biyernes, sabi ni Isko sa mga kuwago ng ORA MISMO, nag-surprise visit sila sa canvassing area ng stadium at kitang-kita nila si Liberty sa isang kuwarto sa mismong canvassing area na may pinupulong.

Ang ginagawa raw ni Liberty sa nasabing lugar matapos silang sitahin ng grupo ni Isko ay nagluluto ng tsibog para pagkain ng mga canvassers at nagliligpit ng basura.

Napakamot ng ulo si Isko, dahil nagtataka siya kung ano ang ‘‘niluluto’’ ni Liberty at kailan daw ito naging basurera?

Nagtataka kasi si Isko dahil City Treasurer si Liberty pero tumatayong cook at basurera, he-he-he!

‘‘Nanalo ba si Isko sa eleksyon?’’ tanong ng kuwagong lasing.

"Topnotcher ito sa konsehal,’’ sagot ng kuwagong manunulat.

‘‘Ano ang pinuputok ng butchi nito kina Ibay at Toledo?’’

‘‘Hindi raw dapat sila nasa loob ng canvassing area sa Ninoy Aquino Staduim’’ sagot ng kuwagong Kotong cop.

‘‘Mas maganda pa magsampa sila ng kaso sa dalawa para masagot ito.’’

‘‘May kaso na nga raw,’’ anang kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Ito ang abangan natin sa mga susunod na araw.’’

‘‘Tama ba si Isko at Atong?’’

‘‘Ang Comelec ang may final say diyan, lagapot.’’

ANG COMELEC

ATONG ASILO

CITY TREASURER

ERNESTO IBAY

IBAY

ISKO

LIBERTY TOLEDO

NINOY AQUINO STADIUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with