^

PSN Opinyon

Editoryal - Tiisin na lang ang pagtaas ng gas at LPG

-
MAY kakatwang payo ang Malacañang sa mamamayang gumagamit ng petroleum products: Ngumiti na lang at magtiis. Wala raw magagawa sa pagtaas ng gasoline, LPG, kerosene sapagkat tumaas ang presyo nito sa world market. Humihingi raw ng pang-unawa ang Malacañang sa mamamayan. Hindi raw ito maiiwasan. Buong mundo raw ay apektado ng pagtataas ng langis. Ang pagtataas daw ay pansamantala lamang. Sa winter daw ay bababa na ito.

Magtiis at ngumiti na lang ang mamamayan sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng petroleum products, iyan ang kanilang payo. Pero sino kaya ang makakangiti kapag sobra na ang higpit ng sinturon para makapagtipid lamang? Ang kawawa sa walang tigil na pagtaas ng petroulem products ay ang maliliit o mahihirap. Kapag hindi pa tumigil ang pagtataas ng mga produktong petrolyo ay maaaring hindi na kumain ng tatlong beses ang mahihirap. Wala na silang ibibili ng liquified petroleum gas (LPG). Maski ang kerosene o gaas ay tumaas na rin. At isipin na lamang na ang mga mahihirap ay kerosene ang ginagamit para sa kanilang de-bombang kusinilya o sa pangkaraniwang kalang de-gaas. Sila ang labis na kawawa. Hindi magiging kawawa ang mga mayayaman kahit na araw-araw ay magtaas ang petroleum products. Mayaman sila at kayang bilhin ang mga gasoline station. Sila anga mga mayayamang nagdonate ng pera para sa kandidatura ni President Arroyo noong election.

Ngumiti at magtiis na lamang daw ang mamamayan sabi ng Malacañang sa panibagong pagtataas ng petroleum products noong Sabado. Nadagdagan ng piso ang presyo ng gasoline at LPG. Ito ang ika-anim na pagtataas ng petroleum products ngayong taong ito. Kung ganoon, ito ang ika-anim na magtitiis at ngingiti uli ang mamamayan. Nagpapatawa yata ang Malacañang sa kanilang kakaibang payo. Paano makangingiti kung batbat ng hinagpis sa walang katapusang pagtitiis?

Bakit walang magawa ang pamahalaan sa walang tigil na pagtataas? Kakatwa pang kung kailan nagpapahiwatig ng pagkapanalo si Mrs. Arroyo sa katatapos na election saka rumaratsada ang pagtataas ng gasoline at LPG. Ano ba ito? Pinababayaan na lang dahil tumatanaw ng utang na loob sa pagkapanalo? Paano kung magtaas din ang Meralco, Maynilad, Manila Water at ang mga presyo ng pangunahing bilihin?

Ngayon pa lang ay magpahiwatig na kung tutuparin ang mga ipinangako sa taumbayan o ito ay ipapako lamang. Maaaring makapagtiis ang mamamayan pero may hangganan. Ang labis na kahira-pan ay dapat nang putulin.

vuukle comment

MALACA

MANILA WATER

MRS. ARROYO

NGUMITI

PAANO

PAGTATAAS

PRESIDENT ARROYO

SILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with