EDITORYAL - Kailan kakagat ang 'lifestyle check'?
May 17, 2004 | 12:00am
ALAM nyo bang P20 billion ang nawawala sa kabang-yaman ng bansa taun-taon dahil sa graft and corruption? Kung ang P20-billion na ito ay hindi mapupunta sa mga walang kabusugang buwaya, malaki ang maitutulong nito sa pag-unlad ng bansa at matutugunan ang pangangailangan ng mamamayan. Hirap na hirap ang bansa at hindi malaman kung paano mapupunan ang lumalaking budget deficit. Taun-taon ay problema ang pananalapi.
Sa kawalan ng magagawang paraan, ang mahihirap ang pinipiga ng pamahalaan na patawan ng kung anu-anong buwis para makalikom ng pera. Gayong maaari namang durugin o putulan ng pangil ang mga buwayang nagpapasasa sa pera ng taumbayan. Nag-iisip ng kung anu-anong paraan gayong maaari namang lagyan ng ngipin ang "lifestyle check" na si President Arroyo mismo ang nagtatag.
Pero malaking pagkadismaya ang nangyayari sa "lifestyle check" sapagkat magpahanggang ngayon wala pang mga opisyal ng gobyerno na naihahatid sa bilangguan para pagdusahan ang pagkulimbat sa pera ng taumbayan. Ang "lifestyle check program" na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Office of the Ombudsman ay nagmimistulang dekorasyon lamang at walang maipakitang accomplishment na may kaugnayan sa graft and corruption. Totoo na mayroon nang kinasuhan at meron na ring nasuspindeng opisyal ng gobyerno pero hindi ganito ang inaasahan ng taumbayan. Maniniwala sila na totoong gumagalaw ang "lifestyle check" kung makagdadala ng kawatang opisyal sa bilangguan. Pero sa imahinasyon lamang marahil mangyayari ang ganito sapagkat hanggang ngayon, pagkalipas ng isang taon ay wala pang makitang nakakulong na opisyal.
Ang Department of Public Works and Highways, Bureau of Customs at Bureau of Internal Revenue ang tatlong tanggapan ng gobyerno na balitang-balita dahil sa katiwalian. Sa Customs, hindi kayo maniniwala na ang karaniwang mensahero na sumasahod lamang ng minimum ay dalawa ang sasakyan. Halos ganito rin sa BIR at DPWH. Nagkalat ang mga walang kabusugang buwaya. Sa DPWH ay maraming opisyal at empleado na nasangkot sa vehicle repair scam kung saan ay sinisipsip ang pera ng gobyerno. At ang BIR, hindi na ipagtatanong ang tanggapang ito dahil sa anomalya.
Wala pang gaanong napatutunayan ang "lifestyle check program". Isang nakababahala ay baka lalong mawalan ng saysay ang lifestyle check kapag naiproklama na ang bagong presidente ng bansa. Magkakaroon ng pagbabago at malamang na hindi na nga madurog ang mga kawatan sa pamahalaan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended