Pangarap ng mga taga-Green Valley natupad na
May 16, 2004 | 12:00am
ANG matagal nang pangarap ng mga residente ng Green Valley Compound (Gatchalian) Manuyo Dos, Las Piñas City na maging kanila ang mga lupain na kinatitirikan ng kanilang mga bahay ay naisakatuparan na.
Noong May 8 ay ipinamahagi ni dating Las Piñas Mayor Vergel Nene Aguilar at ng kanyang maybahay na ngayoy isang bagong halal na mayor Mel Aguilar at ni Congresswoman Cynthia Villar ang may 256 land title.
Bagamat paika-ikang lumakad si Mayor Aguilar ay personal itong humarap sa mga residente upang ipagkaloob ang mga titulo ng lupa. Matagal kong ipinaglaban ang inyong karapatan na mapasainyo ang inyong kapirasong lupang kinatitirikan ng inyong mga tahanan, at ngayon ay ipinagkakaloob ko sa inyo ito.
Ang lupang ito ay aming binili sa mga Berata sa tulong ng National Home Mortgage Financing Corporation (NHMFC), Community Mortgage Program (CMP), National Housing Authority (NHA), Mortgage Redemption Insurance (MRI) at Housing, Land Urban Regulatory Board (HLURB) sa paunang bayad na P3.5 milyon.
At kayong mga miyembro ng Samahang Magkabalikat ng Manuyo Dos Homeowners Association Inc., ay magbabayad lamang ng mababang halaga sa loob ng 25 taon. Ang lupang ito ay inyong inyo at huwag ninyong ibibenta upang manahin pa ng inyong mga anak.
Siyempre binalaan din ni Mayor Aguilar ang mga title holder na huwag ibibenta ang kanilang lupa o maging professional squatters, he-he-he!. Buti nga sa inyo, buking pala ni Mayor ang mga professional squatters.
Ang seremonya ay ginanap sa mainit na basketball court subalit ang lahat ay nagtiis. At habang inaabot ni Mayor Aguilar at Cong. Villar kasama sina Arch. Alma, Valenciano, deputy manager ng South-East sector ng National Housing Authority at siyempre ang pangulo ng samahang magkabalikat ng Manuyo Dos Homeowners Association Inc. na si Isaac Eugenio, Jr. ang titulo ay ibat iba ang aking napansin, mayroong hinihimatay, may umiiyak at ang ibay napalundag sa tuwa.
At ang nakapukaw pansin ay nang sabay-sabay na tumayo ang lahat at walang humpay ang pagsigaw ng ilang ulit na Maraming Salamat po Mayor Aguilar at Cong. Villar at bakas ang luhang gumilid sa kanilang mga mata sa labis na kaligayahan. O kayong mga bagong halal diyan tularan ninyo itong sina Aguilar at Villar nang umasenso naman ang inyong lugar.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest