'Instant Lisensiya'

TALAMAK ang mga fixers at barkers ng mga pekeng security guard license, neuro psychiatric exam at drugtest results.

Ang mga pekeng dokumentong ito’y nagagamit at lumalabas na lehitimo’t tunay na lisensiya kumpara sa mga pekeng lisensya na mabibili sa Recto.

Sadya naming isinagawa ang surveillance at undercover operations upang mahulog sa BITAG ng aming camera ang proseso kung gaano kadali makakuha ng security guard license, neuro psychiatric exam at resulta ng drug tests na bogus.

Dito, walang kahirap-hirap. Hindi na kinakailangan pang sumailalim sa tunay na proseso.

Base sa aming impormasyon, may mga kontak ang mga ito sa loob pa raw mismo ng Security Agencies – Guards Supervision Division o SAGSD sa Camp Crame.

Legal ang ginagawang transaksyon sa Land Bank of the Philippines kung saan binabayaran ang naturang resibo. Matapos nito, presto! Mayroon ka nang lisensya na maaari mong magamit sa loob ng dalawang taon.

Ibig sabihin nito, kahit sinong may sira ang ulo, maaari nang magkaroon ng lisensya at humawak ng baril. Tsk…tsk…tsk…

Abangan ngayong Sabado ang detalye ng ginawang pagbubunyag ng BITAG sa modus ng sindikatong ito.
* * *
BITAG hotline numbers, para sa mga NAAABUSO, NAAAPI, at BIKTIMA ng PANLOLOKO o anumang uring katiwalian, I-text (0918) 9346417 o tumawag sa mga numerong ito 932-8919/932-5310. Manood tuwing Sabado, 7:00-8:00 p.m. IBC-13, "BITAG"

Show comments